SILVER'S POV
IT'S BEEN almost two months since that happened. My body has recovered... but my heart did not. After my recovery ay bumalik na ako sa klase. Kalat na rin sa Peters ang pagkadukot sa akin. Good thing, next month ay magtatapos na kami.
Madalas ring itanong sa amin ng mga classmates namin ang tungkol kay Ry at Saab. Madalas ay si Chase ang sumasagot para sa akin at sinasabing nag-transfer na sila.
I regularly get visits from my therapist too. I still have a bit of trauma from going out and seeing black cars. Madalas ay sinasabay ko ang kapatid ko papasok para hindi ako mag-isa.
"Can I sit here?" nilingon ko siya.
"Yes, Tita Ruth." umusog ako para maka-upo siya.
Nakatingin lang ako sa mga halaman ni Mom.
She now lives with us. I learned that she was also abducted by Jacovo. She tried to find and help me pero nahuli siya ng anak niya. Minsan ay naririnig ko siyang umiiyak sa kwarto niya.
"Do you mind if I share my story?"
Ngumit ako. "Sure, Tita."
"I met Ry because of my husband," simula niya. I suddenly felt sad when she mentioned her name.
"My husband wanted power and they gave him that. Alam mo bang takot na takot ako sa kaniya non?" natawa siya.
"...but when I got the chance to talk to her, I realized that she's just a kid. I've known about Quinton's plan since he started it. When Jacovo found out about it... he offered to help. He became obsessed with such a huge power, that he ended up killing his father..." nanginig ang bibig niya.
"He faked everything. I don't know what technology he used to do that. I was fooled too, Silver. Akala ko ay ang asawa ko ang kausap ko all those time. But I learned through the private detective I hired that he's dead... halos isang taon na."
"Tinago ko 'yon... I hired Ry again, so they could stop him. I didn't tell them it was my son... I can't. Ang gusto ko lang ay sirain nila ang plano ni Jacovo para tumigil na siya. I don't want to hate my son. Pero nang pati ang lolo niyo ay pinatay niya..." she gasped for air.
Inalo ko siya. "It's okay, Tita."
Ngumiti siya. "They were there to protect us, Silver. To protect us from my son. Whatever he said to you about Ry... it's not true. Ginawa niya lang ang trabaho niya."
-----
Nakatambay lang ako sa kwarto nang may kumatok sa kwarto ko. Bumukas iyon at sumilip si Mom. Nakangiti siya at tinawag ako.
"You have a visitor, anak."
Agad akong tumayo at nagmamadaling tumakbo pababa. Nawala ang excitement ko nang makitang si Chase lang pala 'yon.
"Bro!" bati niya. Pilit rin siyang ngumiti.
Inaya ko siya sa kwarto ko para doon na kami mag-usap. Humilata naman siya sa kama ko pagpasok namin.
"Finally, nakatakas na ako sa bantay ko." hingang maluwag niya.
Nabanggit niya na nag-hire ng private bodyguard ang parents niya para sa kaniya.
"What brings you here?" inis kong tanong.
Naupo naman siya. "Saab and I still contact each other."
"That's good." walang emosyon kong saad.
"Tss, lumabas labas ka naman. Mukha ka ng bampira."
"No, thanks."
"Come on! Ngayon lang oh. Hindi na kita pipilitin next time."
"No."
"Sasabihin ko kay Tita na magssleepover ako."
Tumayo ako. "Tara na."
*****
SAAB'S POV
I can't believe we're back in this country. I'm getting worried na baka may makakilala sa amin. Wala pa sa plano namin na may makakita sa amin dahil lagot kami sa HQ.
"Oi, Ry. Matagal ka pa?" kinatok ko ang cubicle ng banyo.
Nakasimangot siya nang buksan niya ang pinto. Inayos niya ang scarf at shades na suot niya
"Ang init init," reklamo niya.
Natawa ako. "Kaysa naman may makakita sa'yo?"
"You should've brought Seive, tss." reklamo niya.
"Magpaaraw ka naman! Sinabi lang na magtago, talagang sineryoso?"
"Let's go." aya niya.
We came here because Lolo Chabs asked us to look for someone. Nagulat pa kami nang sabihin niya kung sino iyon. We're looking for Kenji, the guy we met nung nagbakasyon kami. Turns out he's a son of Lolo Chabs' close friend at hilig magtago ng anak niya sa iba't ibang bansa.
What a joke.
Ayon kay Seive ay nasa mall na kinaroroonan namin siya. Lokong 'yon, tinataguan ang pamilya.
"Don't move," banta ko.
Nilabas ni Ry ang posas niya at nilagay sa tag-isang kamay namin.
"What the hell?" saad ni Kenji.
"Oi, Ry! Hindi ito ang usapan na'tin." nanlalaking mata ko. Nagkasundo kasi kami na sa kaniya niya ipoposas si Kenji para hindi ito makatakas.
"Okay na 'yan," saad niya. "Ako nga naiinitan eh."
"Oh? Saab!"
Sabay sabay kaming napatigil sa paglalakad. Kumabog ang dibdib ko. Not now!
"Huy, Saab? Sinong kasama mo?"
Alangan akong humarap sa kanila. Sinadya kong iharang ang sarili ko para hindi niya mapansin si Ry. Lalo akong kinabahan dahil kasama niya si Silver! Oh my gosh!
Naramdaman kong inalis ni Ry ang posas sa kamay ko. Hinila niya si Kenji at umalis na sila.
"Oh? That guy looks familiar."
"Hi! Haha. It's been a while?" bati ko.
Silver keeps looking in Ry's direction. Winawagayway ko ang kamay ko sa harap niya.
"Hey! You look fine now."
Tumango siya. "Was that Ry?"
Sabi na nga ba! "Huh? Anong sinasabi mo? No way."
He looked disappointed. "Yeah, right. Anyway, nice to meet you again. Let's go."
"Bye, Saab!" paalam ni Chase.
Hindi mawala ang kaba ko kahit na naka-alis na sila. Bakit ba naman kasi ngayon pa sila nagpunta ng mall! Jusko.
Pagsakay ko sa sasakyan ay naroon silang dalawa na naghihintay.
"Isn't that guy your boyfriend?" tanong ni Kenji.
Hindi siya sinagot ni Ry. Nagsimula naman na akong magmaneho papunta sa airport, kung saan naghihintay ang private plane para kay Kenji.
"Ikaw naman, bakit tago ka nang tago sa pamilya mo ha?" tanong ko.
"You would too... if you're being forced to marry someone you don't even love."
"That's too cliche," sagot ko. "Wala ka bang napupusuan? Gwapo ka naman? Mapapasagot mo agad ang magugustuhan mo."
"Yes, I am handsome," ngiti niya. Kapal, ninamnam talaga. "Would you like to marry me, Ry?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"I'll think about it,"
"Hoy, Ry! May Silver ka pa!" saway ko.
Natawa lang silang dalawa.
Mga baliw!
*****

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AksiIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.