CHAPTER 40

3 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV 

WALANG SINAYANG na oras sila Ry noong malaman nila ang lokasyon ni Silver. Malaking tulong si Raissel sa HQ para mahanap ang kinaroroonan nila. Agad agad silang kumilos para iligtas si Silver.

Ang buong team division ng HQ ay kasama nila Ry. Huling tyansa na nila ito para tuluyang mapatumba si Apollo. They waited years... hanggang sa muntik na silang sumuko sa paghahanap rito. Mabuti nalang ay pinakita nito ang sarili.

Ngunit kahit kumpirmado nila ang pagpapakita ni Apollo ay hirap pa rin silang mahuli ito. Hindi na nakapagtataka dahil dati rin siyang miyembro ng alpha team ng HQ.

Nahahati sa tatlong dibisyon ang HQ: Gamma, Beta, at ang Alpha team.

Gamma Team. Madalas silang bigyan ng mission na ordinaryo lamang. Tinatawag rin silang cleaners, na naglilinis ng mga bangkay tuwing pagkatapos ng labanan.

Beta Team. In-charge naman sila sa mga mabababang politiko at hindi gaanong prominenteng negosyante. Madalas rin silang magbigay ng back-up sa Alpha Team.

Alpha Team. The elite group. Sobra sobra pa sa tipikal na ensayo ang dinanas nila. Lahat ay may tyansa na maging alpha pero hindi lahat ay nalalampasan ang mga pagsusulit ng HQ.

Kabilang sa unang henerasyon ng aplha team si Apollo, kasama si Hiro, Maegan, Sarry —Saab's mother, and Xavier — Seive's father.

Sa kasalukuyan limang miyembro lang ang meron sa Alpha Team. Iyon ay Ry, Saab, Seive, X, at Maru. They tend to operate national level assassination/retrieval missions.

Bata sila sa paningin ng iba kaya ang ibang HQ ay naiingit sa kanila. Sino nga naman ang hindi maiinggit hindi ba? Na sa ganoong edad nila ay mataas na ang rango nila at tila paborito pa ng Director ng HQ.

Pero ang hindi nila alam na sa murang edad palang ay inalay na nila ang buhay nila sa HQ. Dugo at pawis ang binuhos nila para makarating sa ganoong rank.

Mula noong malaman nila sa hindi aksidente ang pagkamatay ng isa sa pamilya nila ay nagdesisyon silang ialay ang buhay para hanapin siya... si Apollo.

Dalawang ang kahahantungan ng laban na ito: ang pagpapatuloy ng kasamaan ni Apollo o ang pagtatagumpay nila Ry.

*****

SAAB'S POV

Sa gitna ng kagubatan kami dinala ng coordinates na binigay ni Raissel sa amin. Papadilim na at kailangan na namin na magmadali. Natutunton namin ang isang malaking gusali sa gitna ng gubat.

"That's a lot," bulong ko habang nakasilip sa hawak na teleskopyo.

Inabot niya iyon kay Ry at siya naman ang tumingin. Kung hindi ako nagkakamali ay lalampas sa limampu ang taong nakapalibot sa gusali.

"Did we overestimate his men?" asar na bulong ni Seive.

"Yabang ah?" asar ko. Inismiran niya lang ako.

'Sniper team in position.' rinig namin mula sa earpiece.

We started moving from our position. Ry gave them the signal nang makalapit na kami sa exact location. Sunod sunod na natumba ang mga bantay sa labas kaya nagmadali na kaming umakyat sa harang para makapasok.

Nilapitan ko ni Ry nang marinig niya ang mahinang daing niya. She must've landed on a wrong leg.

"Do you want me to check?" I asked.

Tumanggi siya. "It's fine. Let's go."

We heard footsteps running towards us... there they are. Agad kaming nagtago at sinuot ang gas mask namin. X and Seive threw the gas and we immediately left the place where we were hiding.

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon