SILVER'S POV
OUR FIRST presentation went well. We only had a few minor revisions but our prof said that we're good to go, meaning we could now start with the next part of our project.
For lunch, we decided to go to the nearby mall for a change. Hindi rin kasi gusto ni Ry ang menu ng cafeteria ngayong week... na puro gulay.
Sila Saab at Chase ay mukhang nauna na sa amin. Nakita ko kasing dumaan ang sasakyan ni Chase at nauna sa amin.
Masyadong mabilis ang nangyari. Nakita ko nalang na dumadausdos sa kalsada ang sasakyan ko at bumangga sa isang puno.
Agad kong nilingon si Ry. Sinubukan kong abutin ang kamay no Ry pero binalot na ako ng kadiliman.
"Ry..."
-----
Nagising ako sa isang silid. Sinubukan kong tumayo nang mapagtanto kong nakatali ako sa isang upuan. Hinanap agad ng mga mata ko si Ry, pero ang nasa kwartong ito ay ako lang.
Sinubukan ko paring magpumiglas kahit alam kong balewala lang ito. Mayamaya ay bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko kung sino ito. Hindi ko maalala ang pangalan niya pero siya ang judge sa laban nila Ry. Why is he here?
"You're finally awake, Villanueva."
Kilala niya ako?
"Sino ka? Bakit ako nandito?"
"Just call me Fraiser."
"Where's Ry?" I asked.
Kumunot ang noo niya pero napangiti rin nang maalala kung sino ang tinutukoy ko.
"Ah, the archery girl? She's fine... I guess?" tumawa siya. Nagkunwari siyang nag-iisip. "That girl is rich... should I ask for money?" bulong niya.
"What do you want from us? Pakawalan mo siya, pakiusap. Ako nalang."
"Aww, pag-ibig nga naman," hinawakan niya ang dibdib. "Don't worry, ikaw lang naman talaga ang kailangan namin."
"What about Ry? You'll let her go, right?"
Humalakhak siya. "Nuh uh," humindi siya gamit ang daliri. "We can sell her for a good amou---"
"SHUT UP!" sigaw ko. "Don't touch her or I'll k--"
"Kill me?" tinuro niya ang sarili. "Villanueva, look at the situation. Do you really think you can kill me? You probably won't even hurt a fly."
Bigla naman ulit bumukas ang pinto. Niluwa non ang tauhan niya na tila aligaga at nagmamadali.
"What is it?" inis ni Fraiser.
"W... We lost the girl."
The girl? Si Ry ba ang tinutukoy niya?
Kinuha ni Fraiser ang baril sa tagiliran ng lalaki at binaril ang hita nito. Napaluhod naman ang tao niya sa sahig.
"Natakasan kayo ng isang babae... lang?" natawa siya.
"When we entered the room where she is, all the guards were... dead, Sir."
There's no way that's Ry. O baka naman may iba pa silang bihag? Right? Imposibleng si Ry 'yon.
Tumango tango si Fraiser "That girl... I'll see for it myself." nilingon niya ako. "You want to see her right? I'll bring her head to you."
So, si Ry talaga 'yon? I calmed myself. Hindi ito ang oras para mag-isip ng kung ano ano. I have to find Ry and leave this place.
Ilang sandali lang bago umalis si Fraiser at ang tauhan niya ay bumukas ulit ang pinto. Lumakas ang kabong ng dibdib ko. Nahanap nila agad siya?
Nanlaki ang mata ko nang makitang si Ry iyon.

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
ActionIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.