CHAPTER 08

14 1 0
                                    

SILVER'S POV

ISANG linggo na makalipas ang nangyari kay Ry. Natahimik na rin ang buhay namin mula kay Vanessa. Naalala ko pa, two days after the incident, habang kumakain kami sa cafeteria ay lumapit si Vanessa sa amin.

[flashback]

Kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria. Ayos na ang kamay ni Ry at balik na naman sa asaran si Chase at Saab.

"Sus, hindi mo kasi gets!" asar ni Chase.

"Anong hindi? Ako nga ang nag-turo sa'yo niyan. Sira ka ba?" sabay kuha ni Saab sa cellphone niya pabalik.

Natatawa nalang akong napa-iling. Mayamaya ay natigilan kami sa lumapit sa amin.

Si Vanessa iyon. Maputla ang mukha niya at mukhang ilang araw nang walang maayos na tulog.

"Hoy, Vanessa hindi mo pa rin ba titigilan ang kaibigan ko?" inis na saad ni Saab.

Hindi siya pinansin nito. Nakatingin lang siya kay Ry. Bigla ay lumuhod ito.

"I... " She hesitated. "I'm sorry... for what we did."

Nilingon ko si Ry na nasa tabi ko. Nakatingin lang siya rito. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil sa walang emosyon niyang mukha.

"Ry... please," Vanessa begged. "I can't leave Peters. I... I promise we'll never cross paths again. I'll switch course... just don't make me leave this place."

What do you mean, she can't leave Peters? Does it mean she got expelled? Pero impossible 'yon, kilalang tao ang pamilya ni Vanessa. Isa ang pamilya siya sa sponsors ng school.

"I'm not the one to decide that." Iyon lang ang sinagot ni Ry at iniwan niya na kami.

[end of flashback]

I guess that's for the better. From what I heard, Vanessa moved to States para mag-aral. She also stopped contacting me. Bukod don ay wala na kaming ibang balita na narinig sa kaniya.

"Ry!" tawag ko pero mukhang hindi niya narinig.

"Hi, Ry! Ang ganda mo." puri ni Chase.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Humalakhak siya. "Ako na magsasabi, hiya ka pa eh." asar niya.

"Eh, ako?" si Saab.

Nag-thumbs up lang si Chase kaya umirap si Saab. "Kunwari ka pa. Sige na, umamin ka na. Sasagutin kita agad."

"Kilabutan ka nga."

Hinayaan ko lang silang dalawa magbangayan at nilapitan si Ry.

"You look great."

Napatingin lang siya sa akin. "Crush mo na ko 'no?"

I laughed. "Let's go."

Today is the 100th birthday of the founder of Peters. He died 25 years ago but every year our school celebrates the founder's birthday. Sa football field gaganapin ang party ngayong taon.

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon