SILVER'S POV
HINDI KO alam kung paano ko haharapin si Ry ngayon matapos ang naging usapan namin kahapon. Gusto kong inuntog ang ulo ko para lang makalimutan ko ang sinabi niya.
[flashback]
Ako? Galit? Lumayo lang naman ako dahil wala na akong rason na lapitan siya.
"Ahh..." Tumawa siya. "bakit mo binalik 'yung regalo ko sa'yo?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. What?
"That was a gift? Ang sabi ni Dad---"
"It's okay. At least we cleared the misunderstanding."
Why would she give me a gift? Hindi ko pa naman birthday. Naalala niya kaya ako nung binili niya yon?
Mayamaya ay dahan dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Ah, so this is what she felt.
"Diyan ka lang!" I stopped her.
"Silver..." tawag niya. She sounded soft or that's just me?
"Stop!" I raised my hands to stop her.
"... do you like me?"
Ngayon lang ako nagdasal na mahati ang lupa.
[end of flashback]
I didn't even get to speak or react at that time. Tila tumigil lang ang oras ko at paulit ulit sa isip ko ang sinabi niya.
Nagloloko lang pala siya nung sinabi niya sa sa labas lang nabubuksan ang pinto ng training room nila. Nung napansin niya kasing hindi na ako makapagsalita ay tumawa lang siya tsaka binuksan iyon at lumabas.
Ayoko na sanang pumasok pero ngayon kasi ang unang laro namin para makapasok sa qualifying round for championship.
Matapos kong iparada ang sasakyan ko ay bumaba na ako at dumiretso sa locker namin. Nandon na si Chase kasama ang team para mag warm up.
"Oi, mukhang inspired ah? Nakatulong ba 'yung kahapon?" bungad niya.
Binato ko sa kaniya ang hawak kong towel na nasalo niya.
"Galingan mo. Manonood sila Ry."
Speaking of her, pagkatapos nung nangyari kahapon ay kinakausap niya na ako ulit. Akala ko ay magiging awkward na naman kami pero masaya akong balik na kami sa dati. Pwera nga lang 'yung girlfriend ko siya. Wala na akong rason para mag-offer ulit sa kaniya ng fake relationship.
Napatingin kami sa pinto nang may kumatok. Si Saab iyon.
"Wala si Ry. Miss na miss?" asar ni Saab nang mapansin niyang may hinahanap ako.
Inabot niya sa akin ang paper bag. Pagtingin ko sa loob non ay natigilan ako. That was her gift.
"Kapag binalik mo pa raw 'yan ay kay Ace na 'yan mapupunta."
"Ako wala?" si Chase.
"Binigyan ka na. Inubos mo nga agad!" ayon lang at umalis na siya.

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AksiIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.