CHAPTER 24

2 0 0
                                    

SILVER'S POV

AFTER the day Ry and I got kidnapped, Mom and Dad insisted on hiring bodyguards for us. Mahabang pag-uusap pa ang ginawa namin para lang hindi na nila ituloy ang balak nila.

Ry's family also contacted us about helping to investigate the incident. They have a lot of connections pala when it comes to the police at private detectives. I remember Dad at Lolo Reu was very relieved when they offered to help.

It's been almost a week since the incident. Mom got a little strict every time na aalis ako. We mostly stay at my condo, since we still have a project to finish. Kung sa bahay kasi ay guguluhin lang kami ni Mom at Jade.

Hindi na namin pinag-usapan ni Ry ang tungkol roon, but I feel like it's been bothering her.

Lahat kami ay napatingin sa pinto nang may kumatok roon. Nagpresinta naman si Saab na buksan iyon.

"They must be here," excited nitong saad.

Iniluwa ng pintuan sila Sam at Dean, kasunod ay si Ace. May dala dala silang pagkain at inumin.

Bakit sila nandito? Dahil kay Saab at Chase. Kanina ay gumawa sila ng group chat at sinali 'yung tatlo. Nagkamustahan hanggang sa nandito na sila sa condo ko.

"Hoy, Santos bakit nandito ka?" saway ni Chase.

"Ry! Miss na miss kita." tuwang tuwa na bati ni Ace.

Patakbo siyang lumapit at akmang yayakapin si Ry. Napatigil rin siya nang mapansin na nakatingin ako sa kanila. "... hindi na. Eto na, aatras na." tinaas niya ang parehong kamay

"It's been a while." bati ni Sam.

Habang inaayos nila ang pagkain sa mesa ay napasin kong nawala si Ry. Sinilip ko ang balcony at saktong naroon pala siya.

"Ry... baka lamigin ka." tawag ko.

She looked at me. "Silver..."

"Hmm?" nilapitan ko siya.

Pilit siyang ngumiti at tsaka umiling. "Nevermind."

I opened my arms. "I'm here, Ry."

Natawa naman siya. Sandali siyang nag-isip bago lumapit at hinayaan kong yakapin siya. Sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko.

Natawa siya. "Kinakabahan ka."

Hinigpitan ko ang yakap. "Dahil sa'yo."

"NANDITO LANG PALA KAYO!"

Napatalon kaming dalawa at nilingon si Ace. Nakakunot ang noo nito at naka-krus ang parehong braso.

"Pag ako bawal yumakap, tapos ikaw?" reklamo si Ace.

Tinulak ako ni Ry papalapit kay Ace. "Sige na yakapin mo na." natatawang sabi niya.

Ngumiwi ako. "Ry naman!"

Pumasok na kami at saktong naka-ayos na pala ang pagkain. Naupo na kami at kumain. Panay pa rin ang asaran nila Ace, Saab, at Chase.

Napalagay naman ako nang makita tumatawa na rin si Ry. I'm glad they came. Hindi man sabihin ni Ry ay alam kong masaya siyang makita sila.

*****

RY'S POV

Hindi na rin sila nagtagal at nagpaalam na rin pauwi. May klase rin kasi sila. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay tumayo na ako.

"Why don't you sleep here?" nakangising saad ni Silver.

Ngumiwi ako. "Abuso ka ah."

"Ang abuso ay kung magkatabi tayong matutulog."

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon