CHAPTER 27

2 0 0
                                    

RY'S POV

NAGISING ako dahil may presyon sa dibdib ko. Akala ko ay si Noma iyon pero wala na nga pala ako sa bahay namin. Tiningnan ko si Silver na nakahiga sa dibdib ko habang ang braso niya ay nakabalot sa katawan ko.

I felt my face turn red. This is the first time I sleep next to someone. I slowly tapped him to wake him up. Hindi ko kasi alam kung paano aalisin ang kamay niya.

"5 minutes," ungol niya. Hinigpitan niya ang yakap niya.

Narinig ko ang mahinang tawa niya. Siguro ay naramdaman niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Itulak ko kaya 'to?

I stayed there... for 5 minutes. Totoo ngang 5 minutes lang ang kailangan niya dahil makalipas ang minutong iyon ay gumising na siya. Tsk, parang kanina pa naman siya gising.

"Good morning," bati niya.

"Hmm," tumayo na ako at lumabas.

Pagkatapos kong maghilamos at dumiretso naman ako sa kusina para magluto ng agahan. Dinampot ko ang phone ko nang mapansing umilaw ito.

Saab:

We're all set. See you later.

Matapos kong basahin iyon ay tinabi ko na ang phone ko. Sakto namang paglabas ni Silver sa kwarto niya. Makaluhugan na naman ang ngiti niya habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

"Ano na namang iniisip mo?"

Natawa siya, parang kinikilig sa naisip. "Don't we look like a married couple?"

Grabe ang imagination.

"Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan." asar ko.

Nainis naman siya. "Hirap mong lambingin, Ry. Tss. Ano ba ako roommate mo?"

"Hindi ba boyfriend?"

Umiwas siya ng tingin pero hindi nakatakas sa mata ko ang pamumula ng tenga niya. Umupo nalang siya at naghintay ng pagkain.

-----

Nang sumapit na ang tanghali ay nagpaalam na ako kay Silver. Mabuti nalang at may lakad rin silang dalawa ni Chase.

Agad akong nagmaneho patungo sa address na binigay ni Saab. Pagkarating ko ay ako nalang pala ang hinihintay. Sinuot ko ang damit na hinanda nila.

"Let's go?" tanong ni Raissel.

He's meeting with the Mammon group leader, Marcio O'Connor. Ako at si Maru lang ang kasama ni Raissel papasok. We have to pretend as bodyguards, so we can enter their den.

Malaya akong nakapag-obserba sa paligid, salamat sa suot naming salamin. Halos sampung armadong bantay ang nakapalibot sa amin habang papunta sa kwarto kung nasaan si Marcio.

"As I remember, I said you should come here alone, Raissel," bungad ni Marcio nang makapasok na kami.

"I don't think you should worry about these two if you have hundreds of guards in this building." sagot ni Raissel.

Naupo si Raissel sa katapat na upuan ni Marcio. Habang kami naman ni Maru na tumayo sa hindi kalayuan.

"Did we met before?" tanong ni Marcio habang nakatingin sa akin.

[My god! Do you think he noticed?] Saab said through our earpiece.

"What do you mean... Sir?" I asked.

Umiling siya. "Nevermind. I just thought I'd seen you before."

Muli niyang hinarap ang kausap.

"I heard that you're looking for the Lucifer group?"

He's talking about us.

"We're trying. They are harder to find than we expected."

"Ahh, I know someone who can help us," saad niya. "Come on in."

Bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko sa nakita. He has a deep scar on his face. Ang isang mata nito ay purong puti. He has this cunning look that you should watch out for.

Apollo Betham.

He took out a gun and shot Raissel and Maru one after the other. Mabilis akong lumapit kay Maru para alaayan siya.

Sunod niyang tinutok ang baril sa akin. He smiled as he tilted his head. Tumawa siya at tinabi ang baril na hawak.

"Kapag sinabing mag-isa ka lang pupunta, hindi ba dapat sumunod ka?" naupo siya at dinampot ang wine bottle tsaka diretsong uminom doon.

Pinigilan ko ang sarili na sugurin siya. This is not the right time.

Umalis na kami pagkatapos. I was struggling to support the two on both my shoulders. Agad na lumapit sila Seive at X para tulungan ako sa dalawa at bigyan sila ng paunang lunas.

"Are you okay?" alalang tanong ni Saab pero hindi ako makasagot.

I'm still thinking about what I saw earlier. So, that's what he looks like. After years of trying to look for him, he finally shows up.

*****

SILVER'S POV

Kinabukasan.

Last night when I got home, Ry wasn't there when I checked her room. Noong tatawagan ko na siya ay saktong tumawag naman siya para sabihin pauwi na siya. Medyo late na non pero hindi ko na tinanong kung saan siya nanggaling.

Hindi rin siya nag-dinner pagdating niya at dumiretso lang siya sa kwarto niya. She didn't even bother changing her clothes. Basta ay binagsak nalang niya ang katawan niya sa kama.

Sabay kaming pumasok ngayon papuntang Peters. Sayang naman kung hihiwalay pa siya ng sasakyan. Dumaan muna kami sa office ng isang prof namin para ipasa na ang project namin.

"Aba, sabay pumasok ang mag-jowa." asar ni Chase nang makita niya kami.

"Sunduin mo kasi ako para may kasabay ka." biro naman ni Saab.

"Ano ka prinsesa?"

Inirapan siya ni Saab. "Tsk, huwag mong pagsisihan kapag may ibang maghahatid sa akin ah!"

"As if may maghahatid sa'yo! Tsk. Diyan ka na nga."

I remembered that we already finished all our requirements kaya pwede na kaming magliwaliw. Should I ask her na magbakasyon kami?

"What are your plans before christmas?" tanong sa amin ni Chase.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria para mag-lunch.

"Hmm, I'm not sure," si Saab. "Baka mag-out of the country vacation nalang kami ni Ry."

"Bakit ikaw ang kasama niya?" tanong ko.

Natawa naman siya. "Tss, ikaw na nga ang araw araw kasama. Ipahiram mo naman ang kaibigan ko."

"Why don't we travel together? Let's go to the beach." suhestyon ni Chase sabay kindat sa akin.

"Ay, that's a good idea. Hindi pa namin nattry ang beach dito sa Philippines. What do you think Ry?" si Saab.

"Yeah, do you have time Ry?" I asked. I'm hoping she'd say yes... pero napansin ko na lagi siyang busy kahit tuwing weekend.

"Hmm, that's great."

"Ayos! Dahil diyan bukas na tayo aalis. Ang tagal ko nang plano 'to eh buti natuloy."

"Anong bukas? We still have class duh?" si Saab.

"It's fine. Tapos naman na tayo sa lahat ng kailangan. We always do this."

He's right. Last year nga dahil plano nila Mom at Dad na magbakasyon sa States ay hindi na akk pumasok sa mga natirang araw ng taon na 'yon.

"Madaling madali kang makita akong naka-bikini 'no?" tinakpan ni Saab ang sarili.

"Ano? Baka ikaw ang maglaway sa akin. Tss."

*****

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon