SILVER'S POV
I HAVE never seen a birthday party's security as strict as this. Kulang nalang ay paghubarin nila kami masiguro lang na walang anumang hindi dapat ang makapasok sa party. Iisipin mo tuloy na presidente ang may birthday.
Pumasok na kami matapos ma-check ang gamit naming ng security. Halos kasunod lang rin namin na pumasok sila Chase at ang pamilya niya.
Nilapitan kami ng isang host ay hinatid sa table namin. Mabuti nalang at kasama lang namin sa iisang table sila Chase. Si Lolo Reu naman ay nagpunta agad sa Lolo ni Ry para makipag-usap rito.
Napansin ko ang pagdating ng isang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko siya. Siya yung nakita ko sa post ni Saab na naka-akbay kay Ry.
Hindi ko maipigilang isipin kung anong relasyon ang meron sila. Nakita ko rin kasi na madalas siyang kasama nila Ry sa mga travels nila. Hindi naman nagpapa-akbay si Ry kung hindi siya komportable sa taong iyon.
Gaano ba sila ka-close?
"Huy," tawag ni Chase. "ano na namang iniisip mo?"
"Wala."
Nang halos kumpleto na ang mga invites nila ay tsaka na lumabas ang Lolo ni Ry para batiin ang mga bisita. Inikot ko ang paningin para hanapin siya, pero hindi ko siya nakita.
"Uy, Silver. Ayan na ang hinahanap mo!" pabulong na sigaw sa akin ni Chase.
Agad kong hinanap kung nasaan siya. Natigilan ako nang makita ko siya.
"Ate Ry!" tawag ni Jade sa kaniya.
Nilingon naman siya ni Ry at nginitian. Naglakad siya papalapit sa table namin.
"I'm glad you came." bungad niya.
"You look so pretty, hija." puri ni Mom sa kaniya.
"Thank you for inviting us, Ry." si Dad naman.
Mayamaya ay nilapitan siya nung lalaki kanina. Kumunot ang noo ko nang ilagay niya ang kamay sa bewang ni Ry.
"This is Maru," pakilala ni Ry.
"Nice to meet you." bati nito.
"Ano mo siya Ate Ry?"
Gusto kong yakapin ang kapatid ko. I'm glad she asked.
"I'm her husband."
My jaw dropped. Maging sila Jade at Chase ay nagulat sa sinabi nito. Tama ba ang pagkakarinig ko?
"Anong husband ang narinig ko ha?" singit ng kadarating lang na si Saab.
"You're married, Ate Ry?" gulat na tanong ni Jade.
Napangiwi si Ry at siniko ang kasama. "Tss, stop it."
Bigla namang humalakhak si Maru. "I'm just kidding. Hahaha."
Nakahinga naman ako ng maluwag. Parang tinanggalan ako ng tinik sa dibdib. Wow, they must really enjoy serious jokes.
"Ganito lang ang biruan namin. You don't have to worry," saad niya habang nakatingi sa akin.
Inaya kami nila Saab na lumipat sa table nila. Mabuti nalang at pinayagan kami nila Dad. Sabagay, chance na rin nila 'to para maparami ang connections nila.
Naupo naman ako sa tabi ni Ry. Tahimik lang siya habang pinapanood ang performance sa harap.
"Baka matunaw ako niyan?" biglang sabi niya.
"Huh?" sagot ko.
Ngumisi siya. "Makatitig ka kasi."
I looked away. Naramdaman kong nag-init ang tenga ko. Hindi ko man lang namalayan na sa kaniya na pala ako nakatingin.

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
ActionIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.