CHAPTER 33

3 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

KINABUKASAN.

Kasalukuyang nasa sasakyan si Reubert, ang ulo ng pamilya Villanueva. Maaga palang ay umalis na siya. He's planning to visit Silver's family. Hindi kasi nito nasalubong ang pasko kagabi.

Kausap nito sa kaniyang phone si Kurashi, o mas kilala bilang Lolo Chabs, they are planning to play majong again.

They consider each other as good friends. Lalo pa at ang mga apo nila ay magkarelasyon. They are even considering getting the two married after they graduate. Desidido rin si Kurashi na patigilin ang apo sa trabaho nito. Nag-aalala siya para sa kaligtasan nito.

Balik naman kay Reubert. Panay ang tanong nito sa kaniyang driver kung ilang minuto pa bago sila makarating sa bahay ng kaniyang kaibigan. Na-stuck kasi sila sa traffic. Reubert hates being late. Para sa kaniya, ang pagiging late ay katumbas ng pagiging unprofessional at bastos.

Sa hindi kalayuan ay ang isang lalaki. Patuloy ito sa paghithit ng sigarilyo habang pinapanood ang sasakyan ni Reubert.

"We're ready." saad ng isang lalaki sa kaniya.

Binato niya sa lupa ang sigarilyo at tinapak tapakan iyon. Kinuha niya ang switch sa kamay ng lalaki at pinindot iyon.

*BOOM*

Nakakakilabot ang ngiti nito habang nakatingin sa nagliliyab na sasakyan. Ang mga tao naman ay nagsisigawan at nagtutulakan papalayo sa sumabog na sasakyan.

*****

RY'S POV

Nagising ako mula sa marahang pagtapik ni Silver sa akin. Pupungas pungas pa ako nang naupo para bumangon. Tiningnan ko ang sarili, nakasuot na ako ng pantulog. Ako ba ang nagsuot non o? Ayaw ko nang malaman.

"You're awake," he greeted.

I avoided his gaze. Bigla ay nailang ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Muntik na naman.

Pumasok ako sa banyo para maghilamos. Kinuha ko ang spare na toothbrush para gamitin.
Lumabas na ako ng banyo at nakitang nakatayo lang siya sa may pinto.

Kinuha ko ang phone ko nang mapansin kong umiilaw iyon. Why is Jacovo calling me? Hindi ko nalang iyon pinansin.

"Let's go eat breakfast babe,"

Hinawakan niya ang kamay ko. Pagkababa namin ay nasa dinning na sila at kumakain.

"Good morning," nakangiting bati ni Mr. Villanueva.

Naupo na kami at nagsimulang kumain. Wala akong gana, hindi dahil sa ayoko ng pagkain... pero si Silver ay kanina pa panay ang pagsubo ng pagkain sa akin.

"Say ahh babe," utos nito.

Ngumiwi ako at inagaw sa kaniya ang kutsara. "I can feed myself."

"Wala naman kayong ginawang kaka-iba ano?" nang-aasar ang ngiti ni Mrs. Villanueva.

Halos mabulunan naman ako sa prankang tanong niya. "Wala po," sagot ko. Hindi ko magawang i-angat ang ulo ko para tingnan sila.

"Mom!" suway ni Silver.

Tumawa ito. "Just kidding! I know you know your limits," sabay kindat niya sa akin.

Habang kumakain ay naririnig namin ang malakas na tv mula sa sala nila.

"Breaking News:

We're now reporting live from the accident at the intersection near Fifth Road. A car exploded killing two people... one named Reubert Villanueva, the famous billionaire businessman in the Philippines.

According to the witnesses---"

Natigilan ako. Lahat sila ay nakatingin sa isa't isa habang pino proseso ang narinig. Then, Mr. Villanueva suddenly dropped his mug. Ang tunog ng pagkabasag ang nagsilbing senyales na hindi sila nananaginip.

"Oh my god!" nanginginig na saad ni Mrs. Villanueva.

"That can't be Lolo, right? What if it's just the same car?" si Jade.

Mr. Villanueva's hands were trembling as he reached for his phone. It's been ringing nonstop. Pinatatag niya ang sarili bago sagutin ang tawag.

It was the police telling him about the death of his father, the head of Villanueva. Her wife passed out, mabilis na umalalay si Silver para ilipat siya sa sala.

Sa tv ay naka-flash ang estado ng sasakyan na sumabog. I don't know what to do in this situation. Should I go and leave them?

And then I received a call from Saab. They're currently heading to the HQ. Hindi ko na ako nagpaalam. I ran as fast as I can para makarating sa main gate ng villa. Doon ay naghihintay ng sasakyan ni Saab. Pagkasakay ko ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya.

Pagkarating namin ay kasama nila ang isang pamilyar na babae. Umiiyak ito habang hinahagod ni Dad ang likod niya.

"I'm so sorry... if I only learned about it earlier hindi na sana mangyayari ito." iyak niya.

Mayamaya ay dumating sila Seive at X. Nilapag nila ang hawak na helmet bago lumapit sa amin. Pinatong ni Seive sa mesa ang tablet na hawak niya at zinoom ang larawan.

"Apollo?" takang tanong ni Dad.

"He works for the current Mr. Q," si X.

"I've already sent beta teams to look out for the Villanueva family." si Captain.

"You think that's enough?" Maru scoffed. "He's with Apollo... who was once an Alpha member."

"When this mission turns into a war, I have no choice but to use my resources just so we can kill them," Ojiisan announced.

Dad and I got worried.

"You can't do that. Have you forgotten what you sacrificed just to get away from them?" I reminded him.

****

SILVER'S POV

Lolo Reu's wake was attended by most of his colleagues and business acquaintances. Busy sila Mom at Dad na kausapin ang mga bisitang dumarating.

I, on the other hand, was just sitting in front of Lolo Reu's coffin. I don't know what to feel. Yes, I am sad but his death was so sudden that it still hasn't registered to me yet. Jade is currently sleeping beside me, napagod sa kakaiyak.

"Mr. Silver Villanueva?"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. May hawak itong envelope, sa itsura nito ay mukhang courier ito.

"Yes?"

"Delivery po para sa inyo," Inabot niya ang hawak na envelope.

Kumunot ang noo ko. "From who?"

"Wala pong sinabi. Ibigay ko lang raw po sa inyo." anito.

Tumango lang ako. Matapos ay umalis na siya. Dala ang dokumentong iyon ay pumasok ako sa private room. Binuksan ko iyon at binasa ang laman.

Nagtaka pa ako nang makita ko ang picture ni Ry. Kinabahan ako. Are they planning to kill her too?
Nagmamadali kong kinuha ang phone ko para tawagan siya. Wala akong narinig mula sa kaniya mula noong bigla siyang mawala kanina sa bahay.

And then something caught my eye. Dinampot ko ang papel at nanlaki ang mata sa nakita.

It's an agreement... no, it's a contract. A contract mission to kill me and my family. But why is Ry's name written as my killer?

*****

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon