PROLOGUE

40 3 0
                                    

MAINGAT na naglalakad ang babae sa pasilyo patungo sa silid kung nasaan ang pakay niya. Makikita sa sahig ang mga katawan ng mga tauhang napatumba na niya.

Sandali siyang tumigil para damputin ang baril sa kamay ng isang bantay na wala nang buhay. Tiningnan niya ang magasin ng baril at sinigurong may bala pa sa loob nito at tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad.

Napatigil siya muli sa paglalakad nang makamdam na may tao sa likod niya. Mabilis siyang kumilos para harapin kung sino iyon. Itinutok niya ang baril sa noo nito at ipinutok iyon.

Sa kalapit na kwarto ay nakarinig siya ng sigaw. Ang target iyon.

"I will kill you for what you've done!" Sigaw nito  sa sariling lengguwahe.

"Edi go!" Rinig niyang sigaw ng kasamahan niya.

Mukhang nasa iisang silid lang ang dalawa at doon balak magtuos. Sinundan ng babae ang  pinagmumulan ng sigawan at naroon nga ang target at kasamahan niya. Pareho silang may hawak na baril na nakatutok sa isa't isa.

Nagpalipat lipat ang target sa pagtutok ng baril sa kaniya at si Saab, pangalan ng kasamahan niya. Hindi alam ng target kung sino sa kanila ang babantayan.

"You will regret what you did to my men."

Dahan dahang naglakad ang isa habang nagsalita gamit ang lengguwahe ng target. Ngunit tumigil rin nang pindutin ng target ang safety ng baril.

"We want to end this calmly, Hernández."

"Just tell us where we can find what we need. And we'll let you leave this place unscathed." Pagpapatuloy nito.

"I don't know what the hell are you talking about!" Sagot nito.

"Tsk, sinungaling! Do you think we're really stupid to believe that?" Sigaw ni Saab sa target.

Magsasalita pa sana ulit ang isa nang maramdaman niyang may tumatawag sa kaniya. Pinindot niya ang suot na earpiece para sagutin ang tawag.

"Really? At this moment?" Bakas sa tono nito ang inis.

"Finish it right now and come back here." Nag-uutos ang tono ng kausap niya.

"Tsk." Asik nito sabay patay ng tawag.

Hindi na ito naghintay na makakilos ang target at inubos na nito ang natitirang bala rito.

"Sino?"

"Captain." Sagot nito sa kaibigan.

Nilapitan niya ang bangkay ni Hernández, ang target, at pinigtas ang kwintas na suot nito. Dinukot niya rin ang kutsilyong na nakatago sa suot niyang boots at dahan dahang pinutol ang hinlalaki ng target. 

"Anong sabi?"

Inabot ni Ry ang kwintas at daliri kay Saab. "They want us there."

***

Kahit malayo layo na ay naramdaman pa'rin nila ang pagsabog ng gusali kung saan naiwan ang bangkay ni Hernández at mga tauhan niya. Binati sila ni Sergio nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan.

"We're heading to the airport now." Anunsiyo nito.

"Eh?" Gulat na tanong ni Saab. "Are you seeing how we look like right now?" Aniya sabay turo sa mukha at damit nilang may mga talsik ng dugo.

"Why worry about that, Ms. Saab? You're riding a private plane." Nakangiting saad nito.

"Oh whatever." Sumusukong saad ni Saab sabay irap.

Mayamaya ay muling tumawag si Captain. Pinindot ni Sergio ang loud speaker upang marinig nilang dalawa ang sasabihin ng nito sa kanila.

"Are you done there?" Bungad na tanong nito sa dalawa.

"Yes, Captain." Sagot ni Saab. "Hindi ko na tuloy makikita ang mga ginto at diamonds ni Hernández!" Reklamo pa niya.

"What's that call about earlier?" Tanong ni Ry.

"You have a new assignment."

"You have Seive, X, and Maru there, Captain. Baka nakakalimutan mong 'yung isang misyon mong kalahating taon mong plinano ay natapos lang nila sa loob ng tatlong araw." Paalala ni Saab.

Imbes na mainis ay natawa lang si Captain. "I've been trying to forget that, Saab." 

"Why do we have to go back, Captain? Balak ko pa namang mag shopping dito.

"It's the Directors order, Saab. You can ask them personally once you're both here."

"Is it that kind of mission again, Captain?" Tanong ulit ni Ry.

"This is a little different than that one. Sergio, please give it to them."

"Copy!" Sagot ni Sergio sabay abot sa dalawa ng isang envelope. Nakasulat sa labas nito ang katagang:

S-Class Mission: Silver Villanueva

Si Saab na ang nagpresintang kunin ang laman nito. Sabay nilang pinasadahan ang papel na naglalaman ng impormasyon na kailangan nila.

"That guy and his family are your target."

Nakatingin silang dalawa sa unang pahina.

"Ito lang?" Komento ni Ry. Iniisip nito kung bakit sa ganon kadaling misyon ay kailangang lima pa silang umasikaso.

"Read everything. You'll find something very interesting."

Nilipat niya sa susunod na pahina ang mga papel. Napako ang tingin nila ni Saab sa pinakahuling parte na naglalaman ng mga demand ng magiging kliyente namin.

"You should've put this on the first page. Gusto mo talaga lagi Captain may wow factor eh 'no?" Biro ni Saab.

Tinawanan lang siya ni Captain. "So, what do you think?"

Tumango si Ry at nagsalita. "See you there."

*****

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon