CHAPTER 22

3 0 0
                                    

SILVER'S POV

WE DECIDED to go to the mall to buy some groceries. Since there are a lot of things to do for our project, I suggested na gamitin nalang namin ang condo ko na minsan ko lang naman puntahan.

It's just a few minutes away from Peters. Niregalo sa akin ni Mom iyon nung 20th birthday ko. Chase and I stayed there during the sports fest last year.

"Ibalik mo 'yan. I don't like that." si Saab.

"Bakit ba! Ako naman ang kakain? Tsk." si Chase.

Hinila ko si Ry at iniwan silang dalawa. Pagkalipat namin sa kabilang aisle ay may nakasalubong kaming kakilala. Nanlaki ang mata niya at nilapitan kami.

"Ry! Destiny ba na 'to?" malaki ang ngiti niya.

"Ace," Ry smiled at him.

"Sorry, hindi ako nakapunta sa birthday ng Lolo mo. Busy lang." sabay kamot niya sa sentido.

"It's okay. What about next year?" biro ni Ry.

"Kahit bukas pa mismo!"

Natawa sila pareho. Nang mapansin ni Ace na ako lang ang seryoso ang ngumiwi siya.

"Parang hindi ka masayang makita ako ah?"

"Hindi nga," hinawakan ko ang balikat ni Ry. Napangisi naman siya nang makita ang ginawa ko.

"Buti at nakinig ka na," aniya. Nilingon niya si Ry. "Pa'no, una na ko, Ry. Chat chat nalang ah?" at umalis na siya.

"Anong chat chat?" tanong ko kay Ry.

"Chat, messenger? Hindi mo ba alam 'yon?"

"Tsk, pilosopo. Alam mo naman ang pinupunto ko."

"Napaka-malisyoso." bulong niya sabay lakad.

Hinabol ko siya. "Anong malisyoso? Anong ibig sabihin non Ry?" pangungulit ko.

"Oi, LQ agad? Tara na, bumalik na tayo." tawag ni Chase sa amin. Tapos na pala silang mamili.

Pagkarating namin sa condo ko ay binaba lang namin ang mga pinamili namin. Naupo naman kami ni Chase sa sofa.

Pinapanood ko lang si Ry habang nag-iikot sa loob ng condo. Habang si Saab ay inaayos ang pinamili namin.

"Who's this?" tanong niya sabay turo ng picture frame.

Agad akong tumayo at nilapitan siya. Dinampot ko naman ang picture frame at tinginan kung sino ang tinuro niya.

"Ahh," I smiled. "that's Tito Quinton. He's Jacovo's dad."

Natahimik naman siya.

"Why do you know him?" I asked.

Umiling siya. "He just looks like someone I know. Where is he?"

Nagtaka man sa kuryusidad niya ay sinagot ko pa rin ang tanong niya.

"He's mostly out of the country. Alam mo na, expanding business. It's been 2 years mula nung huli niyang uwi dito sa bansa."

Tumango lang siya. Nilipat naman niya ang atensiyon sa kaibigan. Lumapit siya roon at tinulungan si Saab na maghanda ng pagkain.

*****

RY'S POV

Matapos sagutin ni Silver ang mga tanong ko ay nilapitan ko na si Saab. Mukhang naintindihan niya naman ang sinabi ko.

"You think it's him?" bulong ni Saab.

I shrugged. I can't just base it on assumptions, that's what Dad always tells me. Although there are times that assumptions can be true. Pero para lang makasigurado ay kailangan muna namin siyang mahanap.

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon