CHAPTER 30

3 0 0
                                    

RY'S POV

HINDI AKO makatulog. Nang malapit nang sumikat ng araw ay nagpasya akong lumabas para maglakad lakad. I received a message from Maru about Apollo. Matapos kong mabasa iyon ay binulsa ko na ang phone ko at lumabas na.

May ilan ring bakasyonista ang nakatambay sa may beach. Since private area ito ay hindi marami ang pwedeng makapasok dito.

Naupo ako sa bakanteng bench para panoorin ang sunrise. Pinanood ko ang lalaking lumapit para maupo sa dulong parte nitong upuan. Mukhang napansin niyang nakatingin ako kaya tumingin rin siya para ngumiti.

"May I?" tanong nito.

Nagkibit balikat ako. "Naka-upo ka na."

"Nagbabakasyon ka rin ba?"

"Hmm," tipid kong sagot.

Mahina ang pagtawa niya. He offered his hands. "I'm Kenji, and you are?"

Hindi ko iyon tinanggap pero sinagot ko ang tanong niya. "Ry."

Tumayo na ako at akmang babalik na sana nang magsalita siya ulit.

"Can I walk with you?"

Nakatayo na ito at tila handa nang maglakad. He looks like he wouldn't take no for an answer kaya pinabayaan ko nalang.

Pilit kong inaaalala kung posibleng kaaway siya o espiya. Mahirap na... ako at si Saab lang ang narito. Kampante akong makakalaban ako kahit gaano pa sila karami pero marami ang pwedeng madamay kung sakali.

Napatigil ako nang tumayo siya sa harap ko. Yumuko siya ng kaunti para ipantay ang mukha niya sa akin. Naghintay ako ng sasabihin niya pero nakatingin lang siya sa akin.

"Ry!" dinig kong sigaw ni Saab.

Tinagilid ko ang ulo para makita siya. Muli kong tiningnan si Kenji bago siya iwan at lumapit kay Saab.

"I hope to see you soon, Ry." pahabol nito.

Nang lingunin ko siya ay nakatalikod na ito at naglalakad palayo sa amin. Weird.

"Sino 'yon?" takang tanong ni Saab sa akin.

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko alam."

Sa may gate ay nakatayo si Silver. Seryoso lang siyang nakatingin sa papalayong pigura ni Kenji. Natauhan siya nang tapikin ko siya.

"Silver..."

Tumingin lang siya sa akin at tsaka tumalikod na para pumasok sa loob. Anong problema non?

Papalit palit naman ang tingin sa amin ni Saab. Bigla ay napangiwi siya nang mapansin ang pagtataka ko.

"What?" I asked.

Umiling siya sabay umakbay sa akin. "Malalampasan mo rin 'yan."

Hanggang sa pagkain namin ay hindi pa rin siya nagsasalita. Ni hindi nga siya umupo sa tabi ko. Panay naman ang asar sa kaniya nila Ace at Chase.

"Ramdam kita, Villanueva." pag-alo ni Ace.

Natawa si Chase. "Parang kahapon lang good mood ka pa ah? Hahaha."

Halos buong araw ay nasa kwarto lang ako. Ilang beses akong inaya nila Saab at Dean na sumama sa kanila pero tumanggi ako. Nagsabi nalang sila na pupunta sila sa plaza kung sakaling gusto kong sumunod.

Nang makaramdam ako ng pagkabagot ay nagdesisyon akong sumunod na sa kanila. Naglakad nalang ako dahil malapit lang naman sila. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Kenji... sa itsura nito ay parang kanina pa siya don.

"Hi!" tipid siyang kumaway.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Ilang minuto lang rin ay nakarating na kami sa plaza. Medyo maingay ngayon gawa ng may live band na nagpeperform sa gitna ng plaza.

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon