CHAPTER 37

3 0 0
                                        

SILVER'S POV

WE SCANNED through different rooms but were still unable to find her. We heard gunshots from a distance. Mukhang nagkita na sila ni Marcio which means we have to find Ry quickly before they can take her away again.

Pareho kaming napalingon nang makarinig kami ng kalabog mula sa loob ng kwartong nadaanan namin.

"Stay here," aniya.

Mabilis na lumapit si Maru doon para tahimik na buksan ang pinto. The lights were flickering. Maru have to use his flashlight to see what's inside clearly.

"Ry?" rinig kong tawag ni Maru.

Agad akong pumasok sa kwarto. Halos manghina ang tuhod ko sa nakita. There's a pool of blood in the corner. Mukhang ginamit niyang pang-alalay sa sarili ang upuan para makatayo siya.

"Oi, Silver. Give me the bag." utos ni Maru.

Lumapit ako para ibigay sa kaniya ang dala kong bag. Laman nito ay first aid kit. Inalalayan niya na maupo si Ry sa silya.

I was finally able to see her face. Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko nang makita ko ang hindi magandang lagay niya. Namumutla na siya marahil dala ng dugo na nawala sa kaniya.

"R...Ry," tawag ko.

"You okay?" Maru asked.

"Why is he here, Maru?" halata ng inis sa tono niya.

Hindi siya sinagot ni Maru. Itinaas nito ang laylayan ng damit ni Ry at tumambad ang sugat na tila mula sa saksak. Sunod naman ay ang ginupit niya ang kabilang parte ng pants na suot ni Ry. Maging ang hita niya ay may saksak rin.

"Tss, you let them do this to you?"

Ang pagtawa niya ay napalitan ng ngiwi. "I was tied on this chair."

Nilabas ni Maru ang tila skin stapler mula sa bag.

"Hold her, Silver."

Agad akong tumalima para lumapit kay Ry. Hinawakan ko ang kamay niya. Kinagat niya ang labi.

Humigpit naman ang pagkakahawak niya nang gamitin na ni Maru ang stapler sa parehong sugat niya. Kahit ako na nanonood lang ay parang nasasaktan din.

Pagkatapos ay binalot niya ang gauze ang sugat ni Ry. May kung ano rin siyang tinurok sa kaniya.

"Can you walk?" tanong ni Maru.

"I'll carry her," suhestyon ko.

"I'll walk."

Sinabukan niyang tumayo pero nawalan rin siya ng balanse. Mabuti at nasalo ko siya. Binuhat ko na siya, hindi na hinintay ang reklamo niya.

"Sorry," paumanhin ko nang marahan siyang umaray.

Maru is covering for us. Mukhang natunugan nila na ang pakay namin ay si Ry kaya kami na ang hinahanap nila.

Buhat ko pa rin si Ry habang nakatago kami sa likod ng isang malaking poste.

"Put me down, Villanueva." utos ni Ry.

Why is she calling me that?

"I can't. You're hurt, Ry."

"Maru will die if I don't help him. Just put me down." seryosong saad niya.

Dahan dahan ko siyan binaba at inalalayan na tumayo. Halata pa rin sa mukha niya na masakit ang sugat niya.

"Give me your gun," utos niya.

Inabot ko iyon sa kaniya. Nang aalis na siya ay pinigilan ko siya pero inalis niya ang kamay ko.

"Don't be such a pain in the ass, Villanueva." and then she left to help Maru.

Bakit parang ang sakit ng sinabi niya? It's like she's treating me like a stranger now.

Natigil ang putukan ay bumalik na si Maru. Buhat niya si Ry na wala nang malay.

"Why did you let her go?" inis nitong sabi.

Nagpresinta akong buhatin si Ry. Hindi ko rin naman sila kayang protektahan kung si Maru ang magbubuhat sa kaniya.

Pagkababa namin ay nakasalubong namin sila Saab. Napangiti siya nang makitang kasama na namin si Ry.

"What about the others?" tanong ni Maru.

Umiling si Saab. "They're not here. Marcio escaped."

"Let's bring her to the hospital," I said.

*****

RY'S POV

Ramdam ko pa rin ang sakit nang magising ako. Sa amoy palang ay alam kong nasa ospital ako. Naririnig ko rin si Saab na nakikipag asaran kay Chase.

Chase? Bakit andito siya?

"Ry! You're finally awake." bati ni Saab.

"Ry..." si Chase.

"How long have I been passed out?"

Saab sighed. "It's been 2-days. You lost a lot of blood Ry."

"Why are you here?" tanong ko kay Chase.

"Visiting a friend?"

Ngumiwi ako. "You know what we do, Chase."

"Saab already told me."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Nang tingnan ko si Saab ay iniwas niya lang ang mata niya sa akin.

"I won't tell him. I promise." si Chase.

"Tss. You better keep that promise or els---"

"Yeah yeah, or you'll hunt him down? Tsk." putol ni Saab.

Inalalayan nila akong maupo. Ilang minuto lang ay dumating sila Dad at Dean.

"Do you want something to eat?" tanong ni Dean.

"Hmm," tango ko.

"How do you feel?" Dad asked. Namumula ang mata nito. He's stopping himself from crying.

"I feel good," I assured him. "I'm not dying Dad."

"You almost did," saway ni Dean.

"Dad about Apol---"

"Focus on your recovery first, Ry. We'll deal with them later," hinaplos niya ang buhok ko. "I can't lose another family."

Tumahimik nalang ako. Ojiisan and Captain also came with the rest of the team.

"You good?" tanong ni Captain.

I nodded. "What about the Villanueva's?"

Si Ojiisan ang nagsalita. "They're staying at my house."

"Huh? Why?" I looked at Dad for an explanation.

"They got attacked on their home. It's not safe to stay there." paliwanag ni Dad. "Just until we finish you-know-who."

I have no choice but to agree. Ilang oras pa silang tumambay bago tuluyang umalis na rin. Si Saab nalang ang naiwan para asikasuhin ang discharge papers ko.

"Okay ka na?" tanong ni Saab nang makabalik siya.

Bigla ay bumukas ang pinto. Pumasok doon si Silver. Nakakunot ang noo niya nang makitang nakabihis na ako.

"I'll let you two talk," paalam ni Saab.

Pinagpatuloy ko lang ang pag-ayos ng benda sa bewang ko. Mayamaya ay lumapit siya.

"Are you sure you're okay? Hindi ba dapat ay magpahinga ka muna, Ry?"

"I'm okay. I can't rest yet."

"Because of me?"

"Villanu---"

"Silver," putol niya. "Why can't you say my name? Why do you treat me like a stranger?"

"Because you are," sagot ko. Natigilan siya.

"... you're just a mere target for me, Villanueva."

*****

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon