SAAB'S POV
My heart was beating fast. When Seive told us that Ry was taken by the Mammon group, we immediately left. Nagulat pa ako nang makita ko si Silver sa labas ng bahay namin.
Tsk, Darron must be sleeping again.
"I lost her signal," Seive announced.
I already expected that. Marcio is very meticulous with his job. He always has countermeasures if ever things for him get a little serious.
"Pull over, X." utos ko.
Pinara niya ang sasakyan sa tabi. Agad akong bumaba at pinuntahan ang sasakyan ni Silver na nakasunod sa amin. I took my gun out and pointed it at his direction.
Maru and Seive also followed me.
"You dont have to do that," komento ni Maru.
Nakataas ang kamay niya nang lumabas siya sa sasakyan niya.
"I told you to go back to your family," banta ko.
He looked down. "I'm sorry. I just want to help."
"You're just slowing us, Silver. Just leave," I repeated.
"Use me, Saab," he suggested. "They want me right? Use me... to save her."
-
We went back to our house. I went around the highway hoping we could catch her signal pero wala. I'm not worried about, Ry. I know she can manage. She can wait.
I'm worried about her letting them do what they want to her just so she can keep us safe. She's very selfless.
Binagsak ko ang sarili ko sa sofa. Maru sat beside Seive... he's still trying to locate Ry. While X took something for us to drink.
"What do we do?" basag ni Silver sa katahimikan.
Sinamaan ko siya ng tingin. "We can just give them your head."
"Saab," X warned.
I just rolled my eyes. I'm mad and disappointed at Silver. Paano ba naman kasi, naniwala siya agad kay Marcio na isang beses niya lang nakita kaysa sa amin na mas matagal niyang nakasama?
Lahat kami ay napatingin sa pinto ng makarinig kami ng kaluskos mula sa labas. Mabilis kong dinampot ang baril ko at inaya si X na tingan ang labas. Si Maru at Seive naman ay hinila si Silver para magtago.
Lumabas kami. And then, we saw a silhouette moving towards us. X pointed the flashlight sa direksyon na iyon. Si Raissel iyon. Ang kamay niyang nakahawak sa tagiliran ay puno ng dugo.
"Help me," aniya.
X and I guided him to the sala. Lumabas sila Seive para tingnan kung ano ang nangyari. I asked Maru to get the medicine box.
I pressed the gauze on his wound. He winced in pain.
"You know you can just press the doorbell 'no? Ano ka si Spiderman?" biro ko habang nililinis ang sugat niya. He was stabbed based on his wound.
"Ha.ha. Funny," naasar niyang sagot.
"How did you find us?" tanong ni Seive.
Ngumisi siya. "You're really asking that? I have my ways."
Pinisil ko ang sugat niya dahilan para samaan niya ako ng tingin.
Bigla ay may naalala ako. "What happened to the Villanueva's? Magbabantay na nga lang kayo hindi niyo pa magawa ng maayos."
"What do you mean? My family was attacked?" alalang tanong ni Silver.
"They are safe," simula ni Raissel. "The old guy helped us and then took them. Is he really that old? He moves so fast. If he's the one I'm fighting I'll be dead."
Nanlaki ang mata ko. "Lolo Chabs?" bulong ko sa sarili.
"Someone's missing?" tanong ni Raissel.
"Marcio took Ry," Maru said.
Tumango ito. "God bless that group." he made the sign of the cross.
Nilingon ko si Silver. "You should go see your family."
Nanatili siya sa kinauupuan. "I'll help find Ry. You said the HQ will protect them right?"
"Let me just warn you," saad ko. "You might really die this time."
"I don't care."
****
SILVER'S POV
The next day at 1 AM. 8 hours after Ry's abduction.
Seive was able to locate Ry with the help of Raissel.
"I don't have to come with you 'no? I'll die." si Raissel.
"Buti alam mo," sagot ni Saab.
Dalawang lalaki ang dumating para maghatid ng gamit. Nanigas ako sa kinatatayuan nang buksan nila iyon. Inside the box are weapons. It's like what I've seen in the movies.
Binato si Saab sa akin ang isang box. "Wear that."
Agad ko naman siyang sinunod. Pagbukas ko ng box ay nalaman kong tactical gear ito. Nagtataka man ay sinuot ko nalang ito. Matapos kong magpalit ay lumabas na ako. Napansin kong pare pareho ang suot namin.
"You know how to use gun?" tanong ni Maru.
Tumango ako. "Dad and I used to do handgun practice as a pastime."
Bumilog ang bibig nito. "Cool, that's great. Get what you can use."
"Huh? I thought I'd be your bait?"
"Oo naman but do you really think we can always protect you?" si Saab.
Well, she's right. Lumapit ako at dinampot ng handgun at bala tsaka sinukbit iyon sa bulsa ng tagiliran ko.
Matapos ang iba pang paghahanda ay umalis na kami. Madili pa at tahimik ang kalsada. Patuloy lang sa pagmamaneho si X hanggang mawala na ang daan namin sa main road.
Pawang damuhan at puno lang ang nasa paligid at wala masyadong mga bahay. At dahil wala masyadong tao rito ay wala ring mga poste na nagsisilbing ilaw sa daan.
Pinatay ni X and makina ng sasakyan tanda na nasa lugar na kami kung nasaan si Ry.
-
"Where are we going?" tanong ko.
"Shh, we have to find Ry as soon as possible." bulong ni Maru.
The plan... changed or was that really their plan?
Kanina bago kami bumaba ng sasakayan ay napansin kong suot ni Seive ang kaninang damit ko. Pagkatapos non ay nilagyan niya ng tabing ang ulo niya sabay sinali naman ni Saab ang mga kamay niya.
Silang tatlo kasama si X ang haharap kay Marcio. Seive is going to pretend as me. I hope that works.
Tinaas ni Maru ang kamay niya para patigilin ako. Sa kabilang parte ng hallway ay may narinig kaming papalapit.
Maru quickly immobilized them by slicing their Achilles heel. He then punched them to knock them out completely.
"Let's move," aniya.
*****

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AçãoIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.