CHAPTER 25

4 0 0
                                    

RY'S POV

Kinabukasan.

IT FELT like a dream. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may kapatid ako at si Dean 'yon. I was amused how quick I accepted the news.

Umalis na rin ako matapos namin mag-usap kagabi. Dahil hindi ako mapilit ni Lolo na sa kanila umuwi ay si Dean nalang ang nagpresinta na doon na umuwi.

Nakasalubong ko sila Sam at Dean pagkarating ko sa Peters. How should I adress him? Kuya? Niisan? I can't bring myself to say it yet.

"Hi, Ry! Wala manliligaw mo ngayon ah." bati ni Sam.

Ngumiwi ako. "Why are you here? Hindi naman dito ang building niyo ah?"

"Si big brother ay gusto kang ayain na magbreakfast!" saad ni Sam sabay akbay sa akin.

Namula naman ang tenga ni Dean. "Do you have time?"

"Aba, bakit may meeting dito?" bati ng kadarating lang na si Saab.

Halos kasunod lang niya na dumating sila Silver at Chase.

"Oh, bakit nandito kayo?" tanong ni Chase.

Sa archery club kami pumunta dahil naroon pala ang pagkain na hinanda nila Sam. Binilisan lang rin namin dahil ilang minuto nalang ay first class na namin.

"Thank you..." sabi ko kay Dean.

Ngumiti siya at tumango. "Just call me if you need anything."

Pagkalabas namin ay nangulit na agad si Silver.

"Bakit siya ang tatawagan mo? Nandito naman ako."

"Ikaw lang ang pinakaselosong kilala ko." asar ko dito.

Kumunot ang noo niya. "May iba ka pang kilala?"

"Tsk, bahala ka nga." inis kong saad at inunahan na siya maglakad.

"Oi, biro lang."

-----

Halos lahat ng klase namin ay puro exam ang ginawa namin. Dahil nga may tinatapos pa rin kaming project ay dumi diretso kami sa condo ni Silver after class. Nang masiguro kong nakaalis na sila ay pumasok na ako sa sasakyan ko.

Lumitaw ang dalawang lalaki mula sa backseat. Tinutok ng isa sa akin ang hawak niyang baril at ang isa naman ay may inabot sa aking note.

"Drive to that place," utos nito.

Pinaandar ko ang sasakyan at sinunod ang address na sinabi nila. Napansin ko ang maya't mayang pag-ilaw ng phone ko.

"If I don't answer that, they'll look for me." saad ko.

"Don't say anything stupid." banta ng isa sabay dampot ng cellphone ko at sagot ng tawag.

[Nasan ka?] bungad na tanong ni Silver.

"I'm on my way. Mukhang matatagalan lang." sagot ko.

Bago pa makapagsalita si Silver ay pinatay na nila ang tawag.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa address na binigay nila. Mula sa gate ay kailangan ko pang magmaneho papasok para makarating sa malaking bahay nila.

Inutusan nila akong bumaba at pumasok sa bahay. Nilibot ko ang paningin at napansin ang lalaki sa larawan.

Pinapasok nila ako sa isang kwarto at doon ay naka-upo ang may pakay sa akin.

"Welcome..." he smiled. "D. Take a seat."

I hid my surprise. Inaasahan naman na namin na malalaman nila ang pagkatao namin pero hindi ganito kabilis. I commend their skills.

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon