CHAPTER 42

2 0 0
                                    

RY'S POV

SANDALI AKONG tumigil para balutin ang bumukang sugat ko. Tumigil muna kami at pumasok sa isang kwarto. Napagtanto kong tawagin nalang si Saab para tulungan ako. Kundi dahil sa sugat ko ay kanina pa kami nakalabas.

"Saab will arrive here soon," saad ko.

Naupo ako para tingan ang sugat ko. Mrs. Ruth was kind to offer her handkerchief for me to use.

"Thank you," pasasalamat ko.

"It's the least I could do," marahang ngiti niya.

"Do you happen to know where they put Silver?" tanong ko.

She looked down. That's enough for me to know that she does not have any idea where he is.

"Jacovo found me before I could even find Silver," saad niya. "I still can't believe he could do this. Was I a bad mother?"

Tiningnan ko lang siya. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng apat na mahinang katok sa pinto.

"That's Saab," saad ko.

Pinigilan niya ako. "A... Are you sure?"

Ipinanatag ko ang loob niya. Inulit ko ang katok na narinig niya. "Kami lang ang nakakaalam nito, Mrs. Ruth."

Binuksan ni Saab ang pinto. "You good?"

"My wound opened,"

Ngumiwi siya. "What about Apollo?"

"He's with Dad."

Nanlaki ang mata niya. "Tito Hiro? He came here? How?"

Nagkibit balikat lang ako. Makalipas ang ilang segundo ay narinig kami ng pagsabog mula sa hindi kalayuan. Nagtataka kong tiningnan si Saab.

"Oops," tinutop niya ang bibig. "That's just Marcio. Don't worry."

"Let's go," pag-aya ko.

"You want me to stitch you up first?" alok niya.

"No thanks."

Umirap lang siya. Nilapitan niya si Mrs. Ruth para alalayan itong maglakad. Saab tried to contact Seive for assistance. We have to make sure Mrs. Ruth gets out safe. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang hinihintay na makasalubong si Seive.

"RY!" Saab shouted.

I quickly turned around to see who shot me. Si Jacovo iyon na nakatutok ang hawak na baril sa amin. Mukhang hindi ako ang balak niyang tamaan dahil sa gulat sa mukha niya.

Itinago ko sila Saab at Mrs. Ruth sa likuran ko.

"Move away!" utos niya.

Muli niyang kinalabit ang gatilyo at tumama iyon sa balikat ko.

"I will not hesitate to kill you, Ry."

"Saab, I heard a gu---" Seive quickly took out his gun to shoot back.

Lumapit si Saab para tulungan pero tinulak ko siya palayo.

"I'll see you out, Saab."

"Baliw ka ba? I can't leave you alone!"

Tumango ako kay Seive nang magtama ang paningin namin. Mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin. Agad niyang binuhat si Mrs. Ruth at sunod namang hinila si Saab palayo.

"Seive, we can't leave her! Please!"

"I'll come back," iyon ang huling narinig ko mula kay Seive bago ako mawalan ng malay.

*****

SILVER'S POV

I have no idead of what's happening outside. Ang tangin naririnig ko lang ay pagsabog at putukan ng mga baril. Part of me is hoping that Ry would come save me.

Bigla ay bumukas ang pinto ng silid kung saan ako nakakulong. Pumasok si Jacovo kasama ang ilang tauhan niya.

"Look who I found?" ngisi niya.

Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko nang ibaba nila ang walang malay na si Ry sa harap ko. Patuloy ang paglabas ng dugo sa katawan niya.

"Ry..." tawag ko.

"I guess you two are meant to die together. That's what she gets for being a traitor," galit na saad ni Jacovo. "It's all your fault, Silver. Kung hindi ka lang pumasok sa eksena ay buhay pa sana siya ngayon."

Matapos non ay umalis na sila. Mabilis akong lumapit kay Ry. Hindi malaman ng kamay ko kung paano o saan ko siya hahawakan.

"Ry, please wake up," I begged.

Nilapit ko ang tenga ko sa dibdib niya para pakinggan ang tibok ng puso niya.

"Oi... I can't... breathe,"

Agad ko siyang tiningnan. Her eyes were still closed. Nakakunot ang noo niya na tila iniinda ang sakit. Dahan dahan niyang binuksan ang mata niya hanggang magtama ang paningin namin. Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Why... do you... look like that?"

"Don't move," saad ko.

Her hands reached for my face. Sinubukan niyang i-upo ang sarili kaya tinulungan ko siya. She suddenly started coughing blood.

"That's a lot of blood..." biro niya pero imbes na tawa ay umubo lang siya ulit ng dugo.

"Tss," pinunsan ko ang bibig niya. "Nagagawa mo pang magbigo sa ganiyang estado mo?"

"You look more terrible than me, Silver."

I pulled her for a hug. Siniguro kong magaan lang ang pagkakayakap ko dahil sa mga tama niya.

"I'm sorry it took me so long to find you," mahinang bulong niya. "I'm here now."

"You'll die at this rate," She'll pass out again if we don't do something about her wounds.

"Kailangan na nating maka-alis dito," aniya.

Natigilan ako nang bigla siyang tumayo. Muntik pa siyang mawalan ng balanse kaya aligaga naman akong inalalayan siya.

"Baliw ka ba? Are you trying to kill yourself?" inis kong saway.

"I'm oka---"

"You're obviously not, Ry!" natigilan siya sa pagsigaw ko. "Why do you always put yourself in danger huh?"

"Let's go---" hinila niya ang kamay ko.

Hinila ko siya pabalik na agad ko ring pinagsisisihan. Mukhang nasaktan siya sa ginawa ko.

"Sorry,"

"Don't worry. I can't die... yet," natawa siya. "I'll bring you home safe."

-

Ilang beses na kaming tumigil sa paglalakad. Maya't maya nawawalan ng balanse si Ry sa katawan niya. Hindi naman ako makalapit para alalayan siya dahil inutos niyang dapat ay 3-feet away ang pagitan namin.

"Tss, they even took my earpiece," bulong niya.

"We should sto---"

"Shh!"

Dumungaw siya sa kabilang pasilyo at dumiretso siya doon. Bigla ay narinig ko nalang ang tila pagbagsak ng mga katawan.

Sinundan ko siya at nakita siyang nakaluhod habang hawak ang balikat niya.

"Are you okay?"

"Clearly not," biro niya. Kinuha niya ang baril sa tagiliran ng isang lalaki.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga lalaking napabagsak niya. Pare parehong sa leeg ang mga sugat nila. How could she still do that in her condition?

"Silver..." tawag niya nang mapansin niyang hindi ako sumunod.

Sabay kaming napatigil dahil sa mabilis na yabag papalapit sa amin. Hinila ako ni Ry papalapit sa kaniya bago niya itinaas ang baril na hawak.

"Ry!" tawag ni Seive. Kasunod niya si Saab.

"Hey, you okay?" tanong ni Saab sa akin.

Tsaka ko nalang naramdaman ang sakit ng katawan ko. Nagtaka ako ng biglang iwan ako nila Ry at Saab kay Seive.

"Saan kayo pupunta?" takang tanong ko.

Tinapik naman ako no Seive. "Sleep well, Silver."

*****

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon