RY'S POV
NGAYON ang huli kong laro para sa championship. Bumalik na rin sa practice ang team nila Silver para nasa kondisyon ang katawan nila sa championship game.
Balak pa sanang manood ulit nila Dad at Lolo pero pinagbawalan ko na sila. Noong nakaraan kasi na pumunta sila para manood ay inulan ako ng tanong kung mafia boss ba ang lolo ko.
Sa kabilang banda, naka-alerto pa rin kami dahil kay Fraiser. Bukod sa pagmamanman kay Silver ay wala na kaming makitang ibang dahilan para personal na pumunta siya dito.
Mabuti at mukhang wala naman siyang balak kumilos sa ngayon dahil wala pa namang ibang nangyayari na hindi maganda nitong mga nakaraan.
"It's your turn de Asis." tawag nito sa akin.
Inayos ko ang pag-asinta at tsaka pinakawalan ang arrow.
"10." saad ng emcee.
Sumunod naman ang kalaban ko na tumira.
"9."
Sinamaan ako ng tingin ng kalaban ko tsaka inirapan. Bakit sa akin ka nagagalit? Gusto kong sabihin sa kaniya.
Nagpatuloy lang ang laro hanggang natapos na rin kami. At ang nanalo? Ako, syempre.
"It's a back-to-back championship title for Peters Archery Team!" sigaw ng emcee.
Napansin ko ang pagkirot ng braso ko. Mukhang kailangan ko ulit ng painkiller. Tapos naman na ang laro ko kaya maipapahinga ko na talaga ang braso ko.
Nilingon ko sila Saab na kasalukuyang nanonood sa may bleacher. Nakatayo silang dalawa ni Seive habang nakangiting kumakaway sa akin.
"Congrats, Ry. You did well." bati ni Dean sabay sabit ng medal sa leeg ko.
"Thank you." napangiti ako.
Pababa na sana ako sa podium ng biglang may lumapit sa akin. Pumalahaw naman ng tilian ang nga nanonod sa amin.
"Congrats, Ry. I'm proud of you." nakangiting bati ni Silver sabay abot ng bulaklak sa akin.
Nag-aalangan man ay tinanggap ko rin iyon. Tumabi siya sa akin at sinabihan ang photographer na kunan kami ng litrato. And, I almost jumped when I felt his hand on my waist.
Nang tumingin siya sa akin ay pakiramdam ko tumigil ang oras. Parang lumabo ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. Kinurot ko ang sarili para matauhan. Kailan pa siya nagkaron ng ganitong epekto sa akin?
"Ry..." kuha niya sa atensiyon ko.
Bumalik naman ako sa realidad at bumaba na sa podium. Patalon talon naman na lumapit si Saab sa akin at niyakap ako.
"Haba ng hair," bulong niya. "Congrats."
Sumunod naman na lumapit si Chase. Nakangiwi ito habang nakatingin sa kaibigan.
"Ayon! Kaya pala tumakas sa practice ay may pa-surprise pala. Sabagay sino na naman kaming teammates mo?" nagtatampo ang tono nito. Natawa nalang kami.
Nilibot ko ang paningin nang maramdaman kong may nagbabantay sa mga kilos namin.
And there he is... bravely showing himself. Makahulugan ang ngiti na binigay niya sa akin bago siya umalis.
I'll see you soon Fraiser.
-----
Bumalik na kami sa archery club matapos ang laro ko. Bukod sa maaga pa para umuwi kami ay ito lang naman ang lugar na pwede naming tambayan kapag wala kaming ginagawa.
Hindi ko inaasahan na naghanda pala ng simpleng party sila Sam at Dean para i-celebrate ang pagkapanalo ko.
"Congrats, Ry." bati ni Sam. Lumapit siya at sinuot sa akin ang party hat.
BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
ActionIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.