RY'S POV
AGAD kong nakita si Silver mula sa hindi kalayuan. He was waving his hand nung nakita niya ako. Pagkalapit ko ay naupo na ako sa bakanteng upuan. Naroon din si Chase.
Dapat pala sinama ko si Saab. Sa isip isip ko.
"Hi, Ry!" bati ni Chase.
Nginitian ko lang siya.
"What would you like to drink?" tanong naman ni Silver.
"Kagaya nalang nung iyo."
Medyo natigilan pa siya sa sinabi ko.
I looked around and stopped at a particular person. Bigla siyang umiwas ng tingin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon pero mukhang sila Silver ang pakay niya.
"So they wanted to meet Ry, tama ba?" tanong ni Chase.
Tumango si Silver. "Nakarating kila Mom at Dad agad yung tungkol sa amin."
"I guess it's Vanessa. Tsk, sumbongera talaga."
"Hindi pa nila alam na ikaw yung... girlfriend ko. I don't think they'll believe us kung sasabihin na'tin na matagal na tayong magkakilala, right?"
I agreed. "You're right."
"Wait. If ang plano mo ay tigilan na nila ang pagpapa blind date sa'yo, bakit hindi yung mga naka-date mo ang inalok mong maging girlfriend?"
"I don't like them." reklamo niya.
"At si Ry gusto mo, ganon ba?" naka-gising tanong ni Chase.
"Hindi ah!"
Sabay kaming natawa ni Chase.
"Sorry. I didn't mean to offend you." hinging paumanhin niya.
"I'm not." I looked at Chase. "Things just happened and we're stuck in this situation. We're just helping each other."
"Oh, right. I almost forgot the Jacovo thing. Anyway, I have to go. May date pa ako. Bye!" Paalam niya.
Nang makaalis na si Chase ay katahimikan nalang ang namagitan sa amin. I looked at my watch. Mukhang kailangan na rin namin na umalis.
"Should we go?" Aya niya.
"Yeah. Magbbanyo pala muna ako saglit." paalam ko.
Naglakad na ako papunta sa comfort room. Pagkalabas ko ng cubicle ay nandon rin siya. Matalim ang tingin niya sa akin.
"Just so you know, you could get sued for stalking." sambit ko.
She took something from her purse and then quickly launched at me. Mabilis ko namang naiwasan ang atake niya.
Is she really crazy? Baka nga tama si Saab sa hinuna nito sa kaniya.
"Silver is mine. No one can take him from me." she sneered.
Iwinasiwas niya ang pocket knife na hawak niya habang papalapit sa akin. Naramdaman kong may mahapdi sa kaliwang balikat ko.

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AksiIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.