RY'S POV
PAGKAGISING KO ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Nagmadali ako sa ginagawa ko dahil sa ingay sa labas ng kwarto ko. Nagtataka kong pinanood si Silver na nakatalikod sa akin.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ganyan ba ang 'good morning' mo?"
"Nagtatanong lang," umupo ako at pinanood siya. "... tsaka technically ako na ang may ari nitong condo."
"Aalis rin ako mamaya. Baka nagsawa ka na sa akin agad."
"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin," bawi ko.
Inayos niya ang mga plato sa harap ko. Sunod naman niyang nilagay ang pagkaing niluto niya.
"Wala lason 'yan, tss. Nag-aral kaya akong magluto para sa'yo."
"Alam ko," sumubo ako. "... anong oras ka aalis?"
Sumama na naman ang itsura niya. "Gusto mo ngayon na?"
"Galit ka na naman,"
"Pinapa-alis mo kasi ako. Ilang buwan mo kong iniwan tapos ngayong nagkita na tayo, tinataboy mo naman ako."
"Sorry," pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.
Sumeryoso siya. "What happened..." simula niya. "... that day, Ry?"
Kinuwento ko naman sa kaniya ang lahat ng nangyari. Mula noong mahanap ko siya, hanggang sa pagkawala ni X, ang tungkol kay Apollo, at ang mga huling sandali ni Jacovo bago niya pasabugin ang gusali kung nasaan rin siya.
Nakatitig lang siya sa akin kahit tapos na akong magkwento. Marahang napaamang ang bibig niya, hinahanap ang mga salita.
"I'm sorry about X." aniya.
Tipid akong ngumiti.
"Bakit sinabi ni Saab na wala ka na? Sobrang convincing nila lalo na 'yung Kuya mo."
Natawa naman ako. "Because I really almost died that time. Ikaw ba naman ang tumalon sa building? Tsaka pinagbabawal ng HQ na magpakita sa target kapag tapos na ang misyon namin."
"Can you tell me about HQ? It's fine if you can't."
Sandali akong nag-isip.
"To understand it easier... sometimes we get hired to provide protection, retrieve anyone or anything very valuable... we also get hired to assassinate someone. We get paid a huge amount of money in return."
"Like me?"
"Hmm, you're case is different." saad ko. "Jacovo hired us to kill you while Mrs. Ruth hired us to protect you. Alam mo bang mas malaki ang binayad ni Jacovo sa amin?"
Nagulat siya sa sinabi ko kaya hindi ko napigilang matawa.
"But we are free to choose kung anong mas matimbang... at ikaw 'yon."
"Tss." iniwas niya ang tingin.
"May itatanong ka pa?"
"Nabanggit ni Saab na tapos na siya sa HQ. What does that mean?"
"It's like retirement but not really. We still work for HQ but we don't accept missions anymore."
Inubos ko na ang kape ko at tinabi na ang pinagkainan ko. Dumiretso ako sa kwarto ko para may kunin. Bumalik ako sa dinning para iabot kay Silver ang hawak ko.
"What's this?"
"Graduation gift."
"Andito ka naman na."

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
ActionIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.