CHAPTER 19: Sports Fest Closing

4 0 0
                                    

SILVER'S POV

HALOS hindi ako makatulog kagabi. Naalala ko pa ang itsura niya ng bumalik siya. Halatang pagod siya at hinihingal pa. May galos rin siya na parang galing lang siya sa away.

Hindi kaya miyembro siya ng sorority? Kaso imposible, wala naman sa itsura niya ang pagkahilig sa mga ganong bagay.

Tinotoo niya naman ang sinabi niya natatawag siya. Nasa banyo pa ako non at naghihilamos noong tumawag siya.

[flashback]

Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko para maghilamos. Habang naliligo ako ay biglang nag-ring ang phone ko. Kahit may sabon pa ang katawan ko ay nagmamadali akong dumampot ng tuwalya para ibalot sa ibaba ko yon at tsaka tumakbo palabas ng banyo.

"Hello! Ry? Ayos ka lang? Naka-uwi ka ba?"

Narinig kong natawa siya sa kabilang linya. [Hmm, tumawag lang ako para sabihing naka-uwi na ako. By--]

"Sandali!" sigaw ko.

[Oh?]

"After ng game namin..." pinalakas ko ang loob "can I take you on a date?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sana ay hindi niya naririnig.

[No. Bye.] sagot niya sabay putol ng tawag.

Ha? No?

[end of flashback]

-----

Basketball Championship Game: Peters IS vs. Riley IS

Hindi pa rin tapos tumawa si Chase dahil sa akin. Kinuwento ko kasi sa kaniya ang naging usapan namin ni Ry at ang pag-reject niya sa imbitasyon ko.

"She said... no?" he said between his laughs.

Ngumiwi ako. Hindi ko na siya sinagot dahil mang-aasar lang naman siya ulit.

"Kuya!" tawag sa akin ni Jade. Kasama nito si Mom na manood. Hindi makakapunta si Dad dahil busy siya sa meeting kasama ang investors niya.

Naroon rin sa hilera nila sila Ry at ang iba pa. Normal pa rin naman ang pakikipag-usap niya sa akin after niya akong i-reject. Parang kinalimutan niya nga na nangyari 'yon. Tss.

"Hi, Ry!" bati ni Ace.

"Bakit ka nandito sa bench namin?" saway ni Chase sa kaniya.

"Hindi naman kayo ang ipinunta ko, tss." tumingin siya sa akin. "Galingan mo, Villanueva." sabay ngisi niya.

Mayamaya ay tinawag na kami ng referee sa gitna ng court. Huling laro na namin ni Chase ito kaya gagawin ko ang lahat para sa amin ulit ang championship.

Gaya ng inaasahan, bigay todo na ang parehong team na maglaro. Nasa huling quarter na kami. Kasalukuyan ay lamang ng limang puntos ang team nila Ace.

Our coach called for a timeout. Kung hindi kami makakalamang sa loob ng natitirang oras ay matatalo kami.

"Oi." tawag ni Ry.

Tinitigan ko siya. "Ano?"

"Should I date Ace?"

Pumintig ang tenga ko sa narinig. "Anong sabi mo?" inis kong saad.

Sabay silang natawa ni Mom. Tsk, nagkampihan pa. Makikita mo Ry, kung bakit ako ang captain ng team na 'to.

Tumunog ang signal at bumalik na kami sa court.

"Just give me an opening Chase." utos ko.

He gave me a thumbs-up. "Copy."

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon