CHAPTER 29

3 0 0
                                    

SILVER'S POV

NAGISING ako nang maramdaman kong may tumatapik sa akin. Naupo ako habang nakapikit. Nang mahuli ko ang kamay niya ay hinila ko siya at niyakap.

"Ry, bakit lumaki ang katawan mo?" inaantok kong tanong.

"Kasi hindi ako si Ry," sagot niya. "Bitawan mo nga ako! Kadiri ka!"

Nawala ang antok sa katawan ko at gulat na tiningnan si Ace. Pinagpag nito ang sarili.

"Nautusan na nga lang, ganito pa." reklamo niya.

"Where's Ry?"

"Nasa dagat na. Ang tagal mo kasi. Bilisan mo na." saad niya sabay alis.

Nagmamadali akong naghilamos at nagpalit ng damit. Dumiretso ako sa may beach sa tapat lang nitong vacation house. Doon ay nakita ko silang nagtatampisaw na sa dagat.

Hinanap ng mga mata ko si Ry pero hindi ko siya makita.

"Oi, Silver! Tinanghali ka na ah!" bati ni Sam sa akin.

"Nasan si Ry?" hanap ko.

May tinuro siya sa hindi kalayuan. Naglalakad ito pabalik. Tumakbo na ako para salubungin siya.

"Saan ka galing?" tanong ko. Napalunok ako nang makita ang suot niya. Naka-two piece siya pero may suot siyang short. Bukod doon ay wala na.

"Sa tabi tabi lang."

"Bakit ganiyan ang suot mo?"

Ngumisi siya. "Ano ba dapat? Gown?" sarkastikong  sagot niya.

"Tsk,"

Pagkabalik namin ay kumakain na sila sa may kubo. Naupo na rin kami para kumain. Inabutan ni Dean si Ry ng tuwalya para itakip sa katawan nito.

Napag-usapan namin kung ano ang susunod naming gagawin. Saab suggested na mag-island hopping kami. Sumang-ayon naman ang lahat.

Dean offered to navigate the yacht dahil matagal ba ang hihintayin namin bago dumating ang operator nito. Dumiretso naman kami sa deck at pinanood ang ibang islang nadaraanan namin.

"Are you having fun?" tanong ko. I wrapped my arms around her... she seemed cold.

Tipid siyang ngumiti. "Hmm,"

I rested my chin on her shoulders. "What are your plans after we graduate, Ry?"

Nag-isip naman siya. "I'll probably leave the country,"

Inalis ko ang pagkakayakap sa kaniya at takang tiningnan siya. "You're leaving? Pa'no ako?"

Tinitigan niya ako. Natawa siya sa mukha ko. "I'll be gone for a while and when I'm done." she looked away. "I'll come back to you. I'll stay."

Hindi na mahalaga sa akin kung ano o sino ang dahilan kung bakit kailangan niyang umalis. The fact that she'll come back and stay is enough. I'll just ask when she's done there.

"Oi, tama na bebe time. Nandito na tayo." tawag sa amin ni Chase.

*****

RY'S POV

Dean invited me to accompany him when we came back from island hopping. Nagpunta kami sa isang bow & arrow shop na nadaanan namin dahil may gusto raw siyang makita roon.

Tumitingin tingin lang ako ng display nila habang si Dean naman ay kausap ang may-ari ng shop. Matapos niyang mabili ang kailangan niya ay inaya na niya ako na bumalik.

Napagpasyahan namin na maglakad nalang pauwi dahil malapit lang naman ang tinutuluyan namin.

"When are you gonna tell Dad?" biglang tanong niya.

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon