SAAB'S POV
NABABALIW na ata ako. Kasi kung hindi paki-umpog na sako please lang.
"Come again, Ry?" Tanong ni X. Maging siya ay hindk rin makapaniwala sa narinig. Partida tahimik yan lagi pero sa gulat kay Ry biglang nagsalita.
"Silver..." Bumuntong hininga siya. "is now my boyfriend."
"Oh, tubig." Ani Seive sabay abot sa akin ng baso. Ininom ko yon lahat.
"How?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Agad naman niyang kinuwento ang nangyari. Mula kay Jacovo — na obvious na may gusto sa kaniya, at kay Silver — na ngayon ay boyfriend niya na. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa lamesa para i-check kung binabangungot lang ako, pero wag nalang pala dahil masisira ang ganda ko.
"Kaya pala sobra ang kaba ko nung bumaba ka ng sasakyan. Jusko eh pa'no na 'yan? Magpinsan pa ang pinag-away mo? Ganda mo talaga."
"I think it's for the better, though." Komento ni Seive.
Binatukan ko siya. "Anong better? Ang maging magkaribal sila dahil sa iisang babae?"
"What? No! Pero ang sakit non ah!" Huminga muna siya nang malalim. "What I mean is
... it'll be easier na maging malapit sa mga Villanueva.""Hindi naman sila totoong mag boyfriend-girlfriend, tuleg. Pretend lang. Paano naging masama 'yon?"
"I agree with Seive. Even if it's pretend, they still have to act like a real couple. Based on the conditions that Silver offered." Sang-ayon ni X.
"Ikaw ba, Ry? What's your plan? Paninindigan mo ba 'yan?" Tanong ko.
"I'll do my best." Sagot niya.
Umiling iling nalang ako sa info overload na natanggap ko ngayong umaga. Hindi pa natatapos ang araw pero ang stress ko aabot na kinabukasan.
-----
Few weeks later.
Si X ang naghatid sa aming tatlo nila Ry at Seive sa Peters International School. Silver is in his last year in college, and since we have to be close to him, we have to enter school too.
Nagpasalamat kami nang maihatid na kami ni X sa Peters. I looked around. The school is huge. It would take us days para makabisado ang pasikot sikot nito.
Napalingon ako sa nagtitilian. Kumpulan iyon ng mga babae na kinikilig sa kumakaway na si Seive. May fans club agad ang loko.
"Ry!"
Sabay kaming napatingin ni Ry sa tumawag sa kaniya. Si Silver pala 'yon. Kasama ang kaibigan niyang si Chase, na gwapo.
Gosh. Did my mind say gwapo? Well, he is, but not my type. Psh. But since I have a job to too, I have to do my part.
Nilapitan ko si Chase at nakangiting nilahad ang kamay ko rito.
"Hi, I'm Saab. Do you have a girlfriend?" Lord, kunin mo na ako.
He looked at me as if I had done something horrible. "It won't be you."
Literal na napanganga ako at siya naman ay natawa. What the fuck? Itong ganda kong 'to?! The nerve.

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AksiyonIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.