RY'S POV
TANGHALI na nang nagising ako. Pagtayo ko ay napagtanto kong kwarto nga pala ni Silver ito. Lumapit ako sa pinto at pinakinggan ang labas. Naririnig ko ang ingay ng tv at kusina. Tsk, nagluluto na naman ba siya?
Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Hinawakan ko ang labi. That was my first kiss. Ang daming tanong ang tumakbo sa isip ko nang umalis siya pagkatapos non.
Tama ba ang ginawa ko? Napansin niya bang first kiss ko siya? Nagustuhan niya ba? Napailing ako. Kinalma ko ang sarili bago tuluyang lumabas.
"Good morning," nakangiting bati niya. "I ordered breakfast."
Nabato ako sa kinatatayuan ko. That's it? Parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Hindi nga ako halos makatulog non. Tss.
Lumapit ako at naupo. Nakayuko lang ako habang kumakain. Nang matapos ako ay kinuha ko na ang plato ko para hugasan.
Habang naghuhugas ay naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. Mayamaya ay niyakap niya ako mula sa likod. Napa-igtad ako nang ipatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
"I'm sorry..." umpisa niya. "Did I make you feel uncomfortable?"
Ah, he was worried about that.
"N...No. It's fine." sagot ko habang patuloy sa ginagawa.
"Then, can I kiss you again?"
Gulat akong napatingin sa kaniya. Nakangisi pa siya. Seryoso ba siya?
"Not now. I just want to know if you're okay with it."
Napa-isip naman ako. I'm glad he asked. Tumango lang ako bilang sagot at tinuloy na ang natigil kong paghuhugas.
"Also..." dagdag niya.
Kumunot ang noo ko. "Meron pa?"
He giggled. "Why don't we live here... together?"
Nang matapos ko ang ginagawa ko ay tsaka ko na siya hinarap. Hindi ko na mabasa ang iniisip niya dahil sa seryoso niyang mukha.
"Seryoso ka ba?" tanong ko.
Tumango siya. "I am. I want to be the first and last one to see you every day, Ry."
Kinagat ko ang labi ko. I think that's a good idea. Mas madali nalang sa akin ang bantayan siya kung sakaling dumating ang Mammon group.
Bigla kong naalala na ngayon namin kakausapin si Raissel tungkol sa plano nila.
"Sige," sang-ayon ko.
Lumiwanag ang mukha niya. "Really? Sure ka na? Wala nang bawian ah?"
"Hmm, but I have to go now. Personal matters." paalam ko. "I'll see you... later."
*****
SAAB'S POV
We're on our way to meet the leader of the Asmodeus group, Raissel Assouline. I can't believe we're allying with that group. What if they betray us, huh?
I was amazed when we arrived at their place. Iisipin mong miyembro ng monarchy ang nakatira dito sa laki.
Inisa isa kaming i-check ng mga tao ni Raissel para sa mga armas. Lugi na nga kami kung titingnan dahil lungga nila ang pinuntahan namin.
"Don't you know that anything can be a weapon?"
Natigilan siya nang maramdaman niyang nakatutok sa leeg niya ang hairpin ko. Agad namang tinutok ng ibang bantay ang baril niya sa amin.
"Just kidding," saad ko sabay ayos ng buhok ko.
"Tsk, ganyan ka na magbiro?" saway ni Seive sa akin.
Inirapan ko lang siya. Nakapaikot sa amin ang mga bantay ni Raissel habang naglalakad papunta sa opisina niya. Nang makarating na kami sa pinto ng kwarto ay pinapasok na nila kami.

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AcciónIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.