CHAPTER 49: You and I

5 0 0
                                    

RY'S POV

I DECIDED to visit my family, wala rin naman akong magawa sa condo. Dumalang na rin pagpunta ni Silver sa condo dahil medyo busy raw siya sa pagtulong sa Dad niya.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko, si Saab iyon. Nakapamewang siya habang nakatingin sa akin na nakahiga naman sa kama ko.

"Hindi ka kikilos?" namamangha niyang saad.

Nagtalukbong ako ng kumot pero hinila niya rin iyon pabalik.

"Your party starts in an hour. Aayusan ka pa. Hihiga ka lang diyan?" sermon niya.

"Wala ako sa mood, Saab."

"You'll see him at the party. Huwag ka na ngang magmukmok riyan!"

"Hindi niya nga siguro alam na birthday ko, tss." Naiinis ako.

"Paano mo naman nasabi?"

"He didn't call. Madalas tumatawag siya kapag hindi kami nagkikita. Just enjoy the party without me, Saab."

"Baliw ka ba? Saan ka makakakita ng party na wala 'yung celebrant? Tumayo ka na diyan kundi hihilahin talaga kita!"

Walang buhay akong tumayo. Tinulak niya naman ako papasok ng banyo.

"Kapag hindi mo binilisan ako ang magpapaligo sa'yo, Ry!" sigaw niya sa labas ng banyo.

Ilang minuto ay nakarinig ako ng malakas na katok sa pinto ng banyo.

"Lalabas na," saad ko.

Pagkalabas ko ay naroon na sila Cam and Jessie. Nakahanda na rin ang gamit nila sa pag-aayos sa akin.

"Oh, bakit nakasimagot ang dyosa namin?" puna ni Cam.

"Baka kulang sa dilig," sagot naman ni Jessie.

"Kakaligo ko lang kaya," sagot ko.

Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay na humagalpak ng tawa.

"Ibang dilig ang sinasabi ko 'no! Pero 'wag mo na alamin, mangyayari rin naman." si Jessie.

"Bilisan niyo ah. Tsaka dapat medyo maganda lang si Ry sa akin ngayon." utos ni Saab.

"Teh, mas maganda naman talaga siya?" biro ni Cam.

"Eh kung isumbong kita sa Papi mo ah?"

"Ito naman hindi mabiro. Oh siya, sige na. Kami na ang bahala rito."

Matapos nila akong ayusan ay pinasuot na nila sa akin ang isang red velvet dress. Tumingin tingin sila sa jewelry box ko at dinampot ang isang kwintas.

"Ito perfect! Kanino galing 'to ha?" si Jessie.

Tinginan ko iyon at napangiti. "Kay Silver."

"Ay, panalo!" sinuot niya sa akin ang kwintas. "Sige na, larga na. Baka mag-transform na si Saab sa baba."

Nang makababa na ako ay hindi lang pala si Saab ang naghihintay sa akin, kasama niya sila Chase at Kenji. Mukhang ang iba ay nasa party na.

Lumapit si Dean sa akin para alalayan ako.

"You look extra pretty today," papuri niya. "too bad I'm not the gr---"

Biglang hinila ni Saab ang buhok niya.

"Ouch! Sorry! Tss."

"Thanks," sabi ko.

"Lalabas rin pala, sus!" nakangiwing saad ni Saab.

"Hi, Ry. Happy birthday!" bati ni Chase.

"Thank you,"

"Let's go?" si Chase.

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon