RY'S POV
Shirokane, Japan.
IT ONLY took us a few hours bago makarating sa Japan. This is where we currently stay now. Dito rin ang lugar kung saan lumaki si Dean.
We got a call from Ojiisan that Kenji's parents were at our home. Si Maru ang nagsundo sa amin mula sa airport.
Agad akong nilapitan ng mga maids para tulungan akong alisin ang suot ko sa ulo. Matapos non ay dumiretso na kami sa living room para batiin ang mga bisita.
"We're back," saad ko.
Tumayo ang sa tingin ko ay nanay ni Kenji at hinampas ang ulo ng anak niya.
"Ang tigas ng ulo mo," saad niya gamit ang sariling lengguwahe. "Kailangan pa namin hingin ang tulong nila para maibalik ka rito?"
Ngumuso lang si Kenji ay naupo sa tabi nila. Pinakilala ni Ojiisan ang mag-asawa, sila Mr. Kousei at Mrs. Fumiko ng Kimura clan.
"I already found who I want to marry," biglang saad ni Kenji.
"Really? Who is she?" saad ni Mr. Kousei gamit pa rin ang lengguwahe nila.
Natigilan ako nang bigla niya akong ituro. "I'll do anything you want, just marry her to me."
Pumintig ang tenga ako sa narinig. "Baliw ka ba?"
"What did she say? She sounds angry." si Mrs. Fumiko.
Kinalma ko naman ang sarili ko at humingi ng paumanhin. Tuwang tuwa naman si Ojiisan sa nakikita.
"I don't care whoever my granddaughter marries," saad ni Ojiisan. "If you can make her say yes, then I have no choice but to support you both."
"Ojiisan..." mahinang saway ko.
Tinapik niya ang kamay ko. "Sana ay babae ang maging apo ko." sabay halakhak niya.
Inis akong tumayo. Hindi ko kinalimutan na magpaalam sa bisita bago sila tuluyang iwan.
"Should we prepare your bath Ry-sama?" tanong ng isa sa maid namin.
Tumango lang ako at dumiretso muna sa kwarto ko. Hindi ko napansin na nakasunod rin pala si Saab sa akin.
"Oi, Ry." tawag niya. Naupo siya sa kama ko.
I just looked at her. Inisa isa kong alisin ang hikaw at relo ko.
"You saw him right?"
Humupa ang inis ko at napalitan naman iyon ng kalungkutan.
I was hoping he would run after me. Kung hindi ko lang agad napigilan ang sarili ko ay baka nagpakita na ako mismo sa kaniya.
Nabalitaan ko kay Dean ang nangyari noong nagpunta siya sa bahay namin para hanapin ako. I was still in the hospital that time pero halos magmakaawa na ako na palabasin nila ako so I can see Silver.
Naalala ko bigla ang akala ko'y huling oras na ng buhay ko. I am lucky I was able to caught him off guard and then I jumped from the window. Kapalit naman non ay ilang baling buto sa katawan ko.
"Huy!" tusok sa akin ni Saab.
"Huh? Bakit?"
"Tss, kanina pa ako nagsasalita rito. Sino bang iniisip mo ha? Isusumbong kita kay Silver!"
I laughed at her remark. "What were you saying?"
"Balikan mo na siya, Ry."
Napayuko ako. "I can't."
"Why? It's so obvious that you love him kaya," komento niya. "Just this once, I want you to choose your happiness, Ry. I'm sure he'll understand. Best in understanding kaya 'yon!"
Natawa kaming pareho.
*****
SILVER'S POV
I am sure that was her. Kabisado ko ang postura at kilos niya. Kahit ang puso ko ay kilala siya, dahil nung nakita ko siya kakaibang saya at lungkot ang naramdaman ko.
"Are you sure that's Ry?" tanong ni Chase habang nagmamaneho siya.
"Hindi ako pwedeng magkamali,"
"Then why is she hiding? Kahit si Saab ay paran tinatago siya sa atin eh."
Napa-isip naman ang ng pwedeng dahilan. Ang sabi noon ni Saab ay hindi na namin sila pwedeng makita dahil tapos na ang misyon nila. Pero bakit si Ry lang ang nagtatago?
I tried stalking Saab and Seive's social media accounts before, and they still appear on my friends list. But Ry's account was gone.
"Ah! Naalala ko na!" biglang saad ni Chase.
"Ang alin?"
"'Yung kasama nila kanina. What was his name? Denji? Ah, Kenji! Noong bakasyon na'tin, 'yung pinagselosan mo." asar niya.
Nakauwi na ako at lahat pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Ry... at ang lalaking 'yon! Nanlalalaki ba siya?! Tss, kung iyon ang dahilan kaya siya nagtatago ay sana sinabi niya nalang sa akin... para masuntok ko ang lalaking 'yon.
Tumalima ako para damputin ang phone ko. Tiningnan ko ang number ni Ry. Halos isang libo na ang missed call ko sa kaniya. Walang araw na hindi ko siya sinusubukang tawagan mula noong mawala siya.
Should I try calling her again?
I tapped my feet. Iniisip ko kung itutuloy ko ba ang balak ko. What should I say to her? Ayoko naman magtunog clingy kapag naka-usap ko siya.
Sa huli ay pinindot ko rin ang call button.
Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa pang-apat na ring. Susuko na sana ako nang biglang may sumagot ng tawag.
"Hello? Ry?" saad ko. I keep pacing back and forth.
[Who is this?]
Nagtaka ako. Bakit lalaki ang boses ng sumagot? Hindi iyon si Seive, hindi rin naman si Maru o si Dean.
"Isn't this Ry's phone?"
[Ahh, yes. Who am I talking to? She's taking a bath so it'll take a while before you can talk to her.]
Pa'no niya alam na naliligo si Ry? Magkasama sila sa iisang kwarto?!
"I'm Silver. You? Are you in her room?"
[Oh, you're that guy! I'm Kenji. And no, I'm not. She left her phone kaya ibabalik ko sana. Why?]
I felt relieved. Tsk, subukan niya lang.
"Are you two close? Akala ko ay nakilala ka lang niya sa beach?"
Natawa siya. [Turns out were destined. I plan to marry her, just so you know.]
"ANO?!" tinakpan ko ang bibig ko. Shit. "Anong marry? Ako ang boyfriend niya!"
Humalakhak siya. [Bakit nagtatago siya sa'yo huh?]
Napipi ako. Anong isasagot ko don? Eh tama naman siya.
Bigla ay narinig ko ang boses ni Ry.
[Oi, why do you have my phone? Sinong kausap mo?]
"Ry? Ry---"
Then she dropped the call. Hindi ko man siya naka-usap ay sapat nang narinig ko siya. She's really alive.
Just wait until I find you Ry. Ikakasal pala ha?
*****

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
ActionIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.