RY'S POV
OUR CLASSES went back to normal after the sports fest. Napansin ko na nag-iinitiate na ang iba naming classmate na makipag-usap sa akin mula nung manalo ako.
Bumalik na rin si Silver sa pwesto niya kahit na madalas ay naiinis ito sa akin kahit na wala naman akong ginagawa.
On the other hand, we haven't heard from Fraiser's group ever since the end of sports fest. Pwera nalang nung sinundan nila kami nung ihahatid sana ako ni Silver. Mabuti nalang at nasa malapit lang si Maru kaya nabantayan niya si Silver.
"Ry?" tawag sa akin ni Saab. "Let's go eat."
Pagkarating namin sa cafeteria ay nakita namin sila Sam at Dean. Hindi na namin sila masyadong nakakasama dahil bukod sa tapos na ang sports fest ay iba ang building nila sa amin.
"It's been a while, Ry. Nasa iisang lugar lang tayo pero na-miss kita." bati ni Sam.
"What about me huh?" nagtatampong singit ni Saab. "Ako kaya ang laging tumatawa sa jokes mo."
Sam laughed and patted her head. "Syempre ikaw rin. Naninibago ako kasi walang maingay. Hahaha."
"What do you want?" tanong sa akin ni Silver.
Hindi kasi ako maka-order dahil may mga lower years na nagpapa-picture sa akin. Ganito ba talaga dito?
"Pareho nalang sa'yo." sagot ko.
"Did you two really break up, Ate Ry? You look so good together pa naman." tanong ng isa.
"I agree. You're the first girl na nabalitang girlfriend niya, we're all rooting for you both pa naman." the other girl pouted.
"Ahh, really?" ayon lang ang naisagot ko sa kanila.
Do people really get that invested in other peoples relationships? Akala ko sa mga artista lang ang ganito.
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Silver habang naglalakad kami pabalik sa table namin. Umiiling iling pa siya.
"Ayos ka lang?" tanong ko. Is he hallucinating?
Ngumiti siya. "Hindi ka pa nanghihinayang sa support ng fans club na'tin?"
Kumunot ang noo ko. "Nanghihinayang saan?"
His mouth twitched. Mukhang nainis ko na naman siya. Sanay naman na ako. Mamaya lang ay tumatawa na naman siya mag-isa.
"Tsk, wala. Nanghihinayang na lalamig ang pagkain mo."
Why can't he just say it directly? Ang dami niya pang pasikot sikot, tapos kapag hindi ko maintindihan, magagalit. Tsk.
I was summoned to the chairman's office after namin mag-lunch. Nag-offer pa si Saab na sumama pero himindi ako.
Turns out they want to sponsor me. It's basically a sponsorship for an athlete. I heard about that from Sam and Dean na if they see a potential sa isang student they'll use that for the school to be more popular.
I respectfully declined the offer. Hindi naman ako interesado na maging athletes. I told them that if they really wanted to boost the schools' image, they should sponsor those who are full scholar students.
Naglakad na ako pabalik sa classroom namin. Pagkaliko ko sa dulo ng hallway ay muntikan na akong matumba dahil sa nakabangga sa akin.
Nagulat ako nang mapansing si Jade iyon. Inalalayan ko siyang makatayo at napansin ang sira niyang damit. May pasa rin sa mukha niya na mukhang galing sa sampal.
"Are you okay?" tanong ko.
"Ate Ry..." she cried. "help me."
Mayamaya ay dumating ang isang babae, kasunod niya ay isang lalaki.

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AksiIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.