RY'S POV
PAGKAGISING ko ay naghilamos lang ako at tsaka dumiretso na sa baba. Doon ay nakita ko sa Seive na pinapakain si Noma. Habang si Saab at Maru naman ay nasa kusina at naghahanda ng almusal namin. Si X naman ay naka-upo sa sala at umiinomng kape habang nagbabasa ng diyaryo.
"Morning." Bati ni Seive sa akin. Tumango lang ako.
Naupo ako sa dulong upuan at dinampot ang folder sa harapan ko. Laman non ang lahat ng impormasyon na kailangan namin na malaman tungkol sa nga Villanueva.
Inabot ko ang ibang pahina sa kakaupo lang na sila Saab, Seive, at X. Sabay sabay naming binasa ang mga impormasyong binigay ni Maru. We just have to perfectly execute the plan and we're done.
"How long do you think 'til we finish this?" Tanong ni Seive.
"Kung walang ibang problema na mangyayari... probably like... 6 months?" Sagot naman ni Maru.
"Hmm, that's long. What do you think, Ry?" Ani X.
I shrugged. "I don't know. We don't know what the future awaits."
"Right, I guess I have to adjust to the Philippine climate na." Si Saab.
Pagkatapos ng breakfast namin ay pumunta na kami sa HQ. We'll have to brief Captain, Jiichan, and the directors about our plan.
Pagkarating namin sa HQ ay dumiretso na kami sa conference room. Kami nalang pala ang hinihintay para makapag simula. Naupo na kami at si Maru naman ang nagbrief sa kanila sa plano namin.
Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko nang maramdaman kong nag-vibrate iyon. Nagpaalam ako na lumabas para sagutin ang tawag na iyon.
"Hello?" Sagot ko. Unregistered number kaya hindi ko kilala kung sino ang nasa kabilang linya.
[Ry!]
Oh right, binigay ko nga pala sa kaniya ang number ko.
"Jacovo. Napatawag ka?"
[Yeah, are you busy?]
Napakunot ako. "Depende?"
Natawa siya. [Gusto sana kitang imbitahan. I haven't thanked you enough sa ginawa mo sa akin sa Spain.]
"Sure. Just send me the address."
[Ah... actually] Nag-aalangan na saad nito. [Is it okay if I fetch you? If okay lang nam--]
"Yeah, no problem. I'll send you the address."
[Really? Great! See you!]
Hindi na ako sumagot at ibinaba ko na ang tawag. Bumalik ako sa conference at nakitang tapos na pala sila.
"You're leaving already?" Tanong ni Captain sa akin nang mapansin niyang papaalis na ako.
"Yeah, Jacovo wanted to meet." Nilingon ko si Seive. "Are you free? Can you drive me to the nearest mall?"
Hindi pa nakakasagot si Seive ay nagsalita na si Saab.
"I'll do it. I'm on my way to the mall din naman."

BINABASA MO ANG
She's My Angel with a Shotgun
AksiIsang misyon ang babago sa kanilang buhay habangbuhay. Kwento ng dalawang taong namulat sa magka-ibang reyalidad at may magka-ibang tadhana. Ang isa ay para pumatay; at ang isa ay para mamatay.