CHAPTER 13: Sports Fest Opening

3 0 0
                                    

SILVER'S POV

I WOKE up early today, pinaalala kasi ni Coach na dapat nasa Peters na kami ngayong opening day. Mabilis lang akong nag-agahan at umalis na rin papasok.

Pagkababa ko ng sasakyan ay ang bangayan agad ni Saab at Chase ang naabutan ko. I immediately looked for her pero wala siya.

"Hoy! Feeling mo naman ang gwapo mo!"

"Bakit hindi ba? Type na type mo nga ako nung unang kita mo sa akin."

"Ugh, whatever!" irap ni Saab sabay alis.

"Uy, bro. Nandiyan ka na pala. Hanap mo si Ry?"

"Hindi 'no." tanggi ko.

"Weh? Kita ko hinanap mo eh," he laughed. "Mukhang kumalat sa ibang school ang tungkol sa kaniya. Alam mo bang ang daming naghahanap sa kaniya?"

I frowned. "What do you mean?"

"They learned that you and Ry were exes. Kung medyo maaga ka lang sana nakita mo kung ilang lalaki ang nakaabang sa kaniya. Hahaha. Ang dami mo namang kaagaw, bro. Pinakawalan mo pa kasi e."

We headed to the court to meet with our Coach. Bago makarating sa court namin ay madaraanan muna namin ang office ng club nila Ry.

May ilang mga lalaki from other school ang dumudungaw sa pinto nila. Hinawi naman ni Chase ang mga lalaki at hinila ako papasok.

"That's her right? She's so pretty. How could Villanueva let her go?" rinig kong bulong ng isa.

Nilingon ko si Ry. Muntik pa akong matawa dahil sa itsura niya. Nagtatago kasi siya sa likod nila Dean at Sam.

"Oi, saang school kayo? Alis!" bugaw ni Dean sa kanila.

"Ry, are you okay? Ganda mo talaga!" gigil na sabi ni Saab.

Natigilan naman ako nang mapansin kong nakatingin si Ry sa akin. Matalim ang tingin niya. Is it my fault?

Well... maybe yes, it's partly my fault. Now, I realized the bad side of being famous.

"Sabay na kayo sa amin. Sa assembly hall rin kayo pupunta 'di ba?" aya ni Chase.

Dean agreed. "Yeah, we also need help with those guys," sabay turo sa mga nakaabang sa pinto.

-----

Magkakasama kaming naglalakad papunta sa assembly hall. Nakapagitna si Ry kila Chase at Sam. Kasabay ko maglakad sa likod nila sila Sam at Saab.

"Are you really letting her go?" Saab began.

"What we had is not even real."

She nodded. "Hmm. Why not make it real this time? I know you like her."

"Hindi 'no!"

Si Dean naman ang nagsalita. "Sam might be serious about courting her. You're not gonna do anything?"

"Why do you keep pushing that I like her?"

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon