CHAPTER 09

9 1 0
                                        

SILVER'S POV

HABANG nagkakasayahan kami sa party ay napansin namin ang mga tumatakbong estudyante. Ang ilan sa kanila ay kung hindi sumisigaw ay umiiyak.

"What's happening?" tanong ni Dean sa isang umiiyak.

"G... Guns." she trembled.

Guns? Tumingin ako kung saan sila tumatakbo palayo. May mga naka-itim na armadong lalaki. Is this a prank? Wala namang ganito last year?

"Students, this way please." tawag ng isang staff sa amin. I looked at him, he looked too young to be a staff here.

"Nasan si Saab?" hanap ni Chase.

Nilibot ko ang paningin. Then, I remembered Ry. Hindi pa siya bumabalik mula noong nagpaalam siya kanina.

Tatakbo na sana ako para hanapin si Ry nang hilahin ako ni Saab.

"Saab, where have you been?" Sam asked.

"I looked for Ry. Let's go." aya niya sa amin.

"Saan? What about Ry?" I asked.

I can't see her. Lumayo ako kila Chase at tumakbo tungo sa building ng Peters.

Narinig ko pa ang tawag nila Saab at Chase pero hindi ko na sila pinansin. I can't leave her there.

"OI!"

I stopped running and looked at the person who called me. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatakip ang buong katawan niya.

Itiinaas niya ang cellphone niya at nagpalipat lipat ang tingin roon at sa akin. Matapos ay may pinindot siya sa tenga niya at nagsalita.

"Found him."

Mayamaya ay may kasama pa siyang dumating. Tinutok ng isa ang baril niya sa akin.

"Follow me." sabay turo niya sa daan gamit ang baril na hawak.

Bago kami makarating sa dulo ng hallway ay may dalawang naka-itim rin na sumalubong sa amin. Iba ang suot nila sa nakapaligid sa akin.

"Who are you?" sigaw ng isa.

Walang nagsalita sa dalawang nasa harap namin. Nakatayo lang sila at naka-abang sa susunod na mangyayari.

The men around me were pointing their guns at the two. Hindi nila inaasahan ang mabilis na pagkilos ng dalawa papalapit sa amin. I immediately bowed down when they started shooting.

Ang isa ay lumapit sa akin at saka hinila ako papalayo. Nilingon ko pa ang kasama niya at nagulat ako ng isa nalang ang nakatira sa kalaban niya.

"W... Wait." I pulled my arm back.

Tumingin ito sa akin.

"I'm looking for someone. I can't go now."

Tatakbo na sana ako pero pinigilan niya na ako. Tinuro niya ang pinanggalingan namin, pinag-cross niya ang kamay niya ang umiling.

"Why can't you talk? You mean, hindi pwede?"

Tumango siya at hinila na ulit ako pabalik sa field. I guess that's the safest place now. Nakita ko agad sila Chase na kumakaway sa amin.

She's My Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon