Kabanata 32

49 3 0
                                    

Kabanata 32




“Pasensiya na, Ari. Medyo nawala kasi sa isip ko. May ni-rush kasi akong project. Pasensiya na talaga.”

“Ayos lang, ayos lang. Talagang hinintay ka namin at s’yemre hindi ako makakaalis nang ‘di man lang kita nakikita, ‘no!”

Ngumiti ako sa kaibigan.

Ngayon ang alis nila ng boyfriend niyang si Luigi. Dapat noong katapusan sila ng March aalis kaso ilang beses naudlot ang alis nila gawa ng sa trabaho ni Nomari na kalaunan ay inalisan na rin niya.

Aniya'y okay naman na ang magulang ni Luigi pero gusto pa rin nilang bumisita para makabawi.

“Eh kumusta naman ang project mo? Para ba ‘yan sa clearance ninyo?”

Tumango ako. “Oo. ‘Yong project ko kasi kay Ms. Aglipay nawala. Final project kasi ‘yon para sa clearance. Kako, eh, nagpasa naman ako pero pinaulit pa rin sa’kin kaya minadali ko kanina.”

“Naku! Itatanong ko nga ‘yan kay Carmina. Kilala mo naman ‘yon, ‘di ba? ‘Yong teacher din pero sa Junior High. Parang nabanggit niya na sa’kin ‘yong teacher na ‘yon, eh.”

“Okay naman na, Ari. Nakapagpasa naman ako at umabot pa rin sa oras. Nakumpleto ko na rin ang clearance ko.”

“Mabuti naman kung gano’n. Wala na ba kayong ibang gagawin sa school niyan?”

“Wala naman na. Practice practice na lang para sa graduation.”

“Ay baga… kailan nga ulit graduation ninyo?”

“Third week of April.”

“Ah, oo. Matagal pa naman. Uuwi naman kami ni Luigi niyan. Bibista lang kami saglit kay tita tapos s’yempre gagala saglit doon.” Tumawa si Nomari at nilingon si Caden. “Oh, ikaw. Bantayan mo maigi ‘tong bunso ko, ah? Don’t do something behind my back. Malalaman ko ‘pag may ginawa ka.”

“Hon naman…” si Luigi na natatawa na rin.

Umiling ako at sumilay na rin ang ngiti sa labi.

“Wala naman akong gagawin, Nomari.”

“Aba at dapat lang!” Nilingon ako ni Nomari. “At ikaw naman,”

“Ano?”

“Siyempre ‘wag mong tutuksuhin ‘tong ‘sang ‘to. Hay naku! Ayoko pa magka-apo.”

Bigla akong napa-ubo. Apo?!

“N-nomari!”

“Nagsasabi lang naman ako.” Inirapan niya ako.

Naka-ayos na ang mga gamit nila at ang tanging hinihintay na lang ay ang door to door pick-up. Hindi rin naman nagtagal dumating din ang puting van at agad na ipinasok sa likod niyon ang mga gamit na dala nila Nomari.

Marahan akong niyakap ni Nomari bago bumitiw at tumingin sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa naluluha-luhang itsura ng kaibigan. Pinunasan naman niya agad ‘yon at idinaan sa tawa. Dinaluhan din siya agad ni Luigi.

“Ano nangyayari? May masama ka bang nararamdaman? Sabi ko sa’yo kung hindi mo kaya, kaya ko naman mag-isa umuwi. Babalik naman ako agad…”

“Oa mo naman. Naluha lang ako, hon.”

Tumawa ako.

Nang lingunin ako ni Nomari, kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Parang may kung anong emosyon siyang pinipigilan na ayaw niyang ipaalam o baka guni-guni ko lang…

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon