Kabanata 22
"Naku! Nomari, pasensiya ka na. Walang nakuhang CCTV footage nung sinasabi niyong umaligid dito sa bahay ninyo. Naitanong din namin sa ibang kalapit na tindahan kung may napansin ba pero maski sila walang naisagot sa amin." Aniya nung isang tanod.
"Sigurado ho ba kayo? Baka naman may ibang nakakita. Kung sa CCTV tayo magbabase mukhang malabo po talaga 'yon, Kuya Nod. 'Yong mga tambahay ho kaya doon banda kila Aling Tess?"
"Naitanong namin 'yan, Nomari. Sa kasamaang palad, walang tambay kagabi. Tahimik ang kalsada kaya malabong may nakakita."
Kakagising ko lang nang dumating ang mga taga baranggay tungkol sa nangyari kagabi. Kasama ni Nomari ang boyfriend niya sa sala habang kausap ang mga 'to.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at tumabi kay Nomari na mukhang walang matinong tulog dahil sa itsura niya ngayon. Sinulyapan ko ang tanod na tahimik na nililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.
Tumikhim ako. "Nai-check niyo ho ba ang sasakyan nila Kuya Toto doon sa bungad paakyat dito kila Nomari? Kagabi pagbaba ko sa trysikel, alam ko may sasakyan doon. Siguro ho may footage roon na nahagip na mayroong mga kalalakihan ang pababa galing dito sa bahay."
Nabuhayan ng loob si Nomari dahil sa sinabi ko. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Talaga? Nasa labas kagabi ang sasakyan nila Kuya Toto?" Tanong niya at masayang nakatingin sa akin, puno ng pag-asa.
Tumango ako at humingang malalim. Hindi pa naman malabo ang mata ko para hindi ko makita 'yon. Nakapatay ang makina kaya siguradong walang tao sa sasakyan pero sa labas ito nakaparada kagabi.
"Oo, Ari. Pansamantala sigurong ipinarada roon dahil patay ang makina pero sigurado akong naroon 'yon." sagot ko.
Nang tignan ko ang mga taga baranggay, masama na ang timpla nila at halatang bugnot na sa kakatanong namin. Kinunot ko ang noo ko at tumingin sa kusina. Lumabas doon si Caden bitbit ang iilang tasa na may lamang kape.
"Magandang araw po! Gusto niyo po ba magkape muna?"
"Nako! Hindi na." bugnot na sagot ng tanod. Humarap siya kay Nomari at tinuro ang labas. "Aalis na kami, Nomari. Pasensya ka na talaga. Wala talagang kaming nakita."
"Eh, sigurado ka ba talagang may nakita ka, iha? Baka naman guni-guni mo lang 'yon?" Sabat ng isang taga tanod.
Nagpantig ang tainga ko dahilan nang pagkunot ng noo ko. Sinasabi niya bang nagsisinungaling ako?
"Nandoon ako kagabi, Kuya. Nakita ko rin ho na may nagmamasid talaga at nasa loob pa ng bakuran nila. Hindi namin p'wedeng lapitan 'yon dahil may mga dalang armas at malalaki pa ang katawan. Tatlo 'yon, dalawa lang kami at babae ang kasama ko." sagot ni Caden.
Tahimik niyang inilapag ang mga tasa sa lamesita. Apat na tasa lang 'yon at paniguradong sa amin 'yon. Tumikhim ang isang tanod at bumulong sa kasama.
Nang tignan ko si Caden, nakakunot din ang noo niya habang pinagmamasdan ang mga tanod at iba pang tao na galing sa baranggay.
Ano kayang iniisip niya?
"Sige na. Sige na, Nod. Alis na tayo. Tsk! Sinabing wala ngang nakita paulit-ulit na ipipilit. Ano bagang mayroon sakanila para pasukin dito? Patawa!"
"Excuse me ho! Delikado ho ang nangyari kagabi. Paano na lang kung mag-isa lang ang kaibigan ko rito? At ano? Kayo nga na dapat nag iikot sa gabi ni hindi niyo nagawa?" sabat ni Nomari.
Muntik pang magkagulo dahil sa palitan ng mga maiinit na salita ng tanod at ni Nomari. Sa huli, umalis din sila at dismayadong pumunta pa rito dahil hindi naman daw importante ang kaso. Kung tutuusin, talagang delikado ang nangyari kagabi. May kakaiba sa paraan ng pakikipag-usap sa amin ng mga tanod kanina. Parang wala lang sakanila, parang normal na gano'n nila hawakan ang reklamo ng mga tao. Napailing ako.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
قصص عامةStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime