Kabanata 36

43 3 0
                                    

Kabanata 36




Pinaghalong pagod at antok ang naramdaman ko bago ako tumigil sa pagtakbong ginawa ko. Hindi ko alam kung nasaan na ako banda at hindi ko na rin alam kung tama ba ang daang tinahak ko.

Mabuti na lang at may batis akong nadaanan Huminto ako roon at minabuting magpahinga saglit. Pinilit kong kinalma ang sarili para makapag isip ng maayos.

Magulo pa rin ang utak ko at hindi ko pa rin mapaniwalaan ang nakita ko sa nagkalat na papel kanina na nanggaling sa suitcase ni Caden. Parang ang lahat ng nangyayari ngayon ay panaginip lang. At kung panaginip man 'to ay sana magising na ako.

Pumunit ako ng kaunting tela sa suot dress at itinali 'yon sa nasugatang hita. Sa halos walang lingon-lingon na pagtakbo, at nanlalabong mata gawa ng pag iyak ay hindi ko na napansin ang dinadaanan ko. Hindi ko na rin namalayan na sumabit na pala sa kung saan ang hita ko.

Hinugasan ko muna sa batis ang sugat at ininda ang kirot niyon bago tuluyang tinalian ng tela ang bukas na sugat.

Malamig na ang haplos ng hangin at mas lalo akong nilamig dahil sa suot. Hindi ko alam kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad o magpapahinga na lang muna rito sa batis hanggang sa sumikat ang araw.

Umiling ako sa sarili. Pinagpagan ko ang damit at tiningala ang buwan.

Magpapatuloy na lang ako kaysa abutan ako rito kung sakali man magpatawag ng baranggay o pulis sila Monday. Naghilamos ako saglit sa batis at nilisan ko rin ang binti at braso ko. Ang kaninang naka ayos na buhok ay ngayo'y magulo na pero wala akong panahon para ayusin pa 'yon.

Nagsimula akong maglakad sa gitna ng kadiliman at kaunting liwanag ng buwan. Kung saan man ako pupulutin kung sakali man na makaalis nga ako rito'y hindi ko alam. Wala akong ibang matutuluyan, wala akong kilala....

Bigla akong napahinto.

Kung tama ang mga nakita kong detalye sa nagkalat na papel na 'yon, ibig sabihin....

"Vallia?"

Sa hindi kaluyuan, lumabas ang bulto ng katawan ni Aoki. Naka tapis ito ng towel sa katawan at may bitbit na lampara sa kabilang kamay.

Nangunot ang noo ko.

"Oh my..." marahan siyang lumapit sa akin.

Ibinaba niya ang lampara sa may kalapit na bato at hinawakan ako sa magkabilang braso. Ramdam ko ang tunay niyang pag aalala pero hindi mawala sa isip ko ang iilang detalyeng nakita sa nagkalat na mga papel na iyon.

Isa siya sa nakasulat doon. At ayaw ko man paniwalaan, pero unti-unti kong napagtagpi ang lahat sa isipan ko. Sa kung paano at bakit siya lumalapit sa akin noon, sa kung bakit halos ayaw niyang ipaalam kay Caden na nandito siya at kung sa paanong dito rin siya bigla nagtrabaho para sa ojt niya.

"What the hell happened to you? Look at you..."

Kumurap ako at humingang malalim. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakaniya o itatago ko. Pero bakit? Pakiramdam ko'y alam din naman niya, at alam din ni Caden. Sadyang ayaw lang talaga nilang pansinin ang isa't isa sa hindi ko malamang dahilan.

"Aoki..."

"Bakit, Vallia? Ano'ng nangyari sa'yo? May masakit ba sa'yo? Mabuti na lang at malapit lang dito ang mansyon, at mabuti't naisipan kong magliwaliw sa batis ngayon. Napaano ka ba? May nangyari ba?"

Umiling ako. "Aoki..."

"Hmm?"

"Aoki Liu, hindi ba?"

Kumunot ang noo niya. Siguro'y naguguluhan sa itinatanong ko dahil alam ko naman talaga ang pangalan niya. Pero siguro hindi niya inaasahan ang babanggitin ko sa huli.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon