Kabanata 35

72 3 0
                                    

Kabanata 35






Warning: This chapter contains references to violence, blood, self-harm, suicidal ideation, and physical abuse. Please engage in self-care as you read this chapter. If you feel triggered, skip this chapter immediately.








“Susunduin ka rito nila Nomari mamaya kaya i-text mo siya kapag tapos na ang party o kung gusto mo na umuwi, hmm?”

Tumango ako sakaniya. Tinanggal niya ang helmet sa ulo ko at saglit akong tinignan. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya na hindi ko mapangalanan at ramdam kong maski siya ay naguguluhan.

Kumurap ako at umiwas ng tingin. Umiwas din naman siya ng tingin at bumalik sa motor niya.

“Sige…” mahinang sagot ko.

“Val! Buti nakarating ka. Tara na!”

“Sige, Kate. Sandali lang.”

“Sige, sunod ka na lang kay Florence. Nandiyan lang ‘yon sa tabi.”

Tumango ako at ibinalik ang tingin kay Caden. Nakatingin din siya sa akin at ang mga mata niya ngayon ay malungkot. Kung kanina blanko iyon, ngayon naman ay may lungkot na sa mga mata niya.

Ano ba talagang nangyayari, Ck?

Pinilit kong ngumiti. Lumapit ako sakaniya at tinitigan siya ng maayos. Inayos ko ang nagulong buhok niya at kahit may kirot at kung anong pag aalala sa dibdib ay hindi ko iyon ipinahalata.

Nitong mga nakaraang araw madalang ang pagkikita namin. Lagi akong busy sa practice at pag uuwi naman ay nahihiya naman ako sakaniya dahil dalawa lang kami sa bahay nila Nomari kaya madalas akong nagtatagal sa kwarto.

Kung alam ko lang na ganito….

“Text me, okay?” Malambing na sabi ko. Maski sarili ko ay hindi ko nakilala sa boses na ‘yon.

“I will. Babalik ako bukas…”

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko… aalis lang naman siya dahil may aasikasuhin pero bakit kakaiba ang kaba sa dibdib ko. Para akong naduduwal at may kung anong kumikiliti sa talampakan.

“Sige na. Mukhang nagmamadali ka rin. Pag nakalayo na ang motor mo, papasok na ako sa loob.”

“No, It’s okay. Mauna ka na pumasok. Kapag nakapasok ka na, aalis na ako.”

“Sige na, Caden. Hindi naman ako mawawala rito. Besides, ang daming tao, oh? Hahanapin ko rin si Florence para sabay na kami pumasok.”

Kumunot ang noo niya saglit bago tumango.

“I’ll be back…”

Tumango ako.

Tahimik siyang sumakay sa motor niya at walang lingunang umalis sabay harurot sa kalsada. Nagtagal ang tingin ko sa kalsadang dinaanan niya. Kahit pa hindi ko na siya tanaw ay nanatili pa ako roon ng ilang minuto.

Ito na ba ang sinasabi nilang maniwala sa kutob? Pero ano naman kaya ‘tong kaba na ‘to? Para saan? Hindi pa naman kami at….

Nanliligaw siya, hindi ba? Ibig sabihin… may karapatan ako sakaniya? Napailing ako at sinipa ang bato sa tapat ko. Tahimik dito sa labas kung makikinig kang maigi sa tunog ng kapaligiran. Tanging tunog ng mga kung anong insekto at mahinang hangin lang ang maririnig pero kung lalapit ka ng kaunti papasok sa gate kung saan ginaganap ang party, maririnig mo ang kakaunting tunog at tawanan ng mga tao sa loob.

“Nandito ka rin pala?”

“Rowee…” tumaas ang tingin ko mula sa lupa papunta kay Rowee na nakasuot na ngayon ng isang itim na polo at slacks.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon