Kabanata 31
I closed my eyes and feel the cold wind touch my skin.
Maagang natapos ang klase namin para sa huling subject. Sa totoo lang, nitong mga nagdaang araw para akong lutang at wala sa sarili. Samahan mo pa ng tambak na mga gawain, project, mga biglaang quiz.
Huminga akong malalim. Papalubog na ang araw at ang magandang kulay ng langit ay inuukupa ang buong kapaligiran.
"What's the plan?"
Umiling ako.
"Hindi ko pa naiisip."
Sa totoo lang hindi ko alam.
Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko sa gate ang nag aabang na sila Eryn. Kunot ang noo nito habang sila Nine naman ay mukhang nag a-alala.
Huminga akong malalim at kinalma ang sarili. Si Aoki na nasa gilid ko ay gustong sumama sa'kin o kahit ihatid man lang ako pero hindi ako pumayag.
"Sige na, kahit ihatid lang kita malapit sakanila?"
"Kaya ko na 'to, Aoki."
"Are you sure? They seem to be..."
"I'm good."
Nilingon ko siya at nginitian. Natahimik siya roon at parang may bumagabag sakaniya saglit bago ako tinanguan.
Kung palagi akong iiwas... kung palagi ko 'tong tatakbuhan... ano na lang ang mangyayari? Mauulit ba 'yong tulad ng dati? Pero ayoko na niyon. Ayoko na maranasan ulit 'yon.
"At lumalabas na talaga ang totoong kulay mo?"
Umismid si Eryn sa akin at dahan-dahang lumapit. Tunog ng malakas na hangin, iilang nag-uusap na mga estudyante sa tabi, at ang takong ni Eryn lang ang tanging naririnig ko. Ni hindi ko nga maramdaman kung kinakabahan ba ako...
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Eryn."
Tumawa siya. "Gano'n naman palagi, 'di ba? Hindi ko alam, wala akong alam, maniwala kayo sa'kin wala akong kinalaman... ano pa bang dahilan ang idadahilan mo, huh?"
Is this... even worth to try?
Maybe.
Maybe not...
Pero gusto kong subukan. Kahit... kahit sa huling pagkakataon. After all, they're still my friends... atleast for me. Sila 'yong nagbigay sa akin ng pakiramdam kung paano sumaya ulit. At kung bibigyan man ako ng pagkatataon kung uulitin ko bang maramdaman 'yon, kasama sila... uulit ako. Kahit ganito ang magiging kakahantungan.
"Let's end this. Once and for all, Eryn." Matapang kong sabi.
"That's right. Let's fucking end this friendship, Vallia. I'm tired of your bullshit! Palaging biktima? Palaging kami ang masama? Ikaw ang sumira sa atin, Vallia."
"Tell me, Eryn. Did you really think of me as a friend?"
"Ano na naman ba 'to? Let's just stop this nonsense. Nakakapagod 'yang pang ga-gaslight mo."
"For me, you are all like my other half. I consider you all as my closest friends, family, and sisters..."
"Val... " lumapit si Nine.
Pinanlisikan siya ng mata ni Eryn. Even Ning tried to stop Nine for butting in.
Honestly, this is tearing me apart. Kahit hindi halata. Kahit mukha akong matapang ngayon sa harapan nila, nawawasak ang kaloob-looban ko. I've been with them for years. It's not easy to suddenly break the bond— the friendship.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Художественная прозаStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime