Kabanata 38
I stared at myself in front of the mirror. This is it. Bulong ko sa sarili. Ilang oras na lang ay darating na kami sa tutuluyan namin. Kasama ko si Hilda, ang personal bodyguard na inatasan ni Aoki. Siya rin ang nag-alaga sa akin noon sa hospital, at ngayon, siya ulit ang kasama ko lumipad dito sa Japan. Marunong siya ng iba’t ibang lenggwahe kaya siguro ganoon na lang din ang pagtitiwala ni Aoki sakaniya o may iba pang dahilan. Siguro matagal nang nagta-trabahao ang babae kay Aoki kaya ganoon. Hindi naman siya madaldal at magsasalita lang kapag may importanteng itatanong. Bukod doon ay tikom na ang bibig niya.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. It was a strange place for me. The place felt different. Siguro kasi ngayon pa lang naman ako nakatapak sa bansang ‘to kaya ganoon na lang ang pakiramdam ko.
We landed in Kansai using a private airplane. Pagbaba namin ni Hilda ay mahigit sampung kalalakihan agad na nakasuot ng itim na coat ang sumalubong sa amin.
Ang isang lalaki na may dalang suit case ay agad na lumapit sa akin at binuksan ang dala. Naglalaman ito ng isang parang isang hindi ko mawari na gadget at agad iyon itinapat sa batok ko. Nag beep iyon ng ilang beses bago ko nakita ang kulay green na rumihistro sa screen nito.
“Clear,” matigas na aniya ng lalaki at sinulyapan ako bago umalis.
Saglit kinausap ni Hilda ang ibang kalalakihan na inabot din ng mahigit trenta minutos bago kami pinapasok sa isang sasakyan.
Maraming ipinaliwanag sa akin si Hilda tungkol sa mga dapat gawin na nasabi naman niya noong nasa Pilipinas pa kami. Siguro’y inuulit na lang niya para hindi ko makalimutan.
Huminga akong malalim at tumango.
“Naiintindihan mo ba ang lahat, Ms. Vallia?” Aniya.
Kahit sa pagbanggit ng salitang tagalog ay medyo madiin ang pagkakasabi niyon ni Hilda. Ngumiti ako sakaniya at inulit ang pagtango.
“Naiintindihan ko.”
“Hindi ka p’wedeng lumabas ng basta-basta lalo na kung wala naman hinabilin si Ms. Aoki o kahit pa si Mr. Yuri. Bibigyan kita ng cellphone pagdating doon. Magagamit mo lang ‘yon sa pagsagot ng mga tawag. Bukod doon ay wala na. Hindi mo ‘yon magagamit sa pag-text sa iba o pag browse sa social media. At kung sakaling may balak kang contact-in ang iba’y huwag mo nang subukan.”
Umiwas ako ng tingin kay Hilda at muling tumango. Alam ko ang pinasok ko, kaya alam ko rin ang mangyayari kung sakali man na may gawin akong taliwas sa plano.
Muling nag bumulong sa utak ko ang sinabi ni Aoki bago umalis. Sa isang buwang paghahanda bago ako ipadala rito ay lagi niya ‘yong inuulit-ulit sa harap ko. Na para bang nakakalimutan ko ‘yon sa araw-araw niyang pagpapaalala.
“No funny business, Vallia. We will know.”
“Naiintindihan ko, Aoki.”
“Good. You will do as you’re told. Act as if you’re a robot. Kung may makita ka man na hindi dapat makita, huwag mong papansinin ano man ang mangyari. Don’t show any emotion when you’re in there. Remember that your life is on the line the moment they see how vulnerable you are.”
This is dangerous. I knew it from the start.
“You are not Vallia; you are Adel. The moment you screw this, you’re good as dead.”
Buong byahe ay wala akong naintindihan. Paminsan minsang sumasagot ng tawag si Hilda gamit ang banyagang salita at saglit na lilingon sa akin na agad ko namang iniiwasan.
The trip was smooth as butter. Nakakain din kami ni Hilda nang dumaan sa isang drive thru bago muling tumulak. Bukod sa iilang securities na dinaan namin na agad din kinakausap ni Hilda ay wala na kaming iba pang naging problema.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Tiểu Thuyết ChungStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime