Kabanata 20
Sinilip ko ang malawak na field ng Alma Mina National High School. Maraming estudyante roon na nakatambay at nakaupo lang sa damuhan. Ang iba'y naglalaro at nagtatakbuhan sa field dahil mahaba pa naman ang oras ng break time.
Lumipas ang buwan ng disyembre at enero— sinalubong ko nang mag-isa ang pasko at bagong taon. Ayos lang naman dahil kahit papaano'y hindi naman naging malungkot ang pagsalubong ko dahil kila Manang Tita. Ni hindi ko na kailangan pang mag handa dahil kung ano-anong pagkain ang ibinibigay sa akin ng mga kapitbahay o 'di kaya naman ay iimbitahan sakanilang mga tahanan para makisalo sa hapagkainan na minsa'y hindi ko naranasan noon sa Maynila.
"How's Manila? Nakakainggit naman!" sumimangot si Luningning kay Eponine.
Ngumisi si Eponine sa kaibigan at inilabas ang bagong biling cellphone. Alam kong mahal 'yon dahil iyon ata ang latest ngayon.
"Wow! Bago?"
"Oo,"
"Ganda! Picture tayo mamaya! Try natin!" ngumisi si Eryn at ibinaba ang cellphone ni Nine. "Maganda ba sa Maynila? Kumusta ka naman doon? Siguro kung saan-saan kayo pumunta?"
"Okay naman. Marami kaming ginawa before salubungin ang Christmas. Nag shopping, gumala, kumain... "
Nakaupo kami ngayon sa isang kubikong upuan. Mahaba ang oras ng break dahil may meeting ang mga teachers sa AVR. Wala naman iniwang gawain kaya malaya ang mga estudyanteng tumambay ngayon sa field.
"Uuwi rin sana kami ng Manila, eh. Kaso ewan ko ba kay Ate, biglang sa sunod na lang daw." Aniya naman ni Eryn sabay iling at tingin sa akin.
Hindi ko pa nasasabi ang balita sakanila. Masaya lang akong nakikinig sa mga kwento nila tungkol sa naging lakad nila nitong pasko at bagong taon. Minsan ay nangingiti ako, pero madalas ay natutuwa rin dahil sa mga kwento nila.
"Eh ikaw, Lia? For sure naging masaya ang pasko at bagong taon mo? Umuwi ka bang Manila? Doon ka galing, 'diba?" tanong ni Eryn.
Ang nag ku-kwentuhang sila Eponine, Asia, at Ning ay napatingin din sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba muna ang tanong ni Eryn o sasabihin ko muna ang nakakatuwang balita.
Napakamot ako ng ulo.
Sige na nga, mas magtataka naman sila kung isusulat ko pa gayong nakakapagsalita naman na ako.
"Okay lang ang bakasyon ko, Eryn." Ngumiti ako.
"Hala!"
Nalaglag ang panga ni Eryn habang nanlalaki naman ang mata nung tatlo. Naghampasan pa sila Asia at Eryn ng balikat na para bang hindi makapaniwala sa narinig.
May mumunting luha na namuo sa mata ko. Siguro dahil sa saya at sa nakikita kong luha rin sa mata ng mga kaibigan.
"OMG! Is this for real? No way!" tumayo si Eponine at sinugod ako ng yakap.
Malugod kong tinanggap ang yakap nila. Humagulgol ako sa balikat nila dahil sa galak na nararamdaman. Hindi ko alam na ganito kasaya, hindi ko alam na sa kabila ng takot na nararamdaman ko—ganito pala ang magiging epekto kapag sinubukan ko.
"Masayang-masaya ako para sa'yo!" si Eryn na pinipigilan na sumabay sa iyak ko.
"Kailan pa?! Hindi mo man lang sa amin sinabi sa gc!"
"Grabe! Ang ganda ng boses mo!"
Nag-usap kami ng matagal. Kung ano-ano ang tinanong nila sa akin at sinubukan pa akong pakantahin. Masayang-masaya sila na nakakapagsalita na ako at ganon din naman ako.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Fiction généraleStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime