Kabanata 2

52.8K 289 1
                                    

Kabanata 2






Nakayuko akong naglakad papasok sa school. Mas maaga ako pumasok ngayon kaysa noon. Ayokong may makasabay akong ibang 'studyante dahil alam kong pag-uusapan nila ako.

Sa loob ng isang buwang semestral break, pumutok ang balita tungkol sa hiwalayan namin ni Khalid. Issue 'yon sa lahat dahil nagtagal din naman kami ni Khalid kahit papaano.

We were like the famous couple in our school dahil bukod sa kilala si Khalid na-inlove sa tulad ko na isang nerd kung tawagin nila, isa lang akong hamak na 'studyanteng walang-wala sa lebel nila.

Tulad ko? Napangisi ako. How ironic.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko at sinuot ang earphones ko. Nilakasan ko rin ang volume bago nagpatuloy sa paglalakad.

Kumalat ang balita na wala na kami ni Khalid. Mabilis lang din 'yon umabot sa ibang mga estudyante at iba pang year level students dahil kilala si Khalid dito sa school bilang captain ng basketball team nila. Kumalat din ang balita tungkol kay Tallete dahil laman siya ng newsfeed ko sa mga sumunod na araw pero hindi ko na pinansin 'yon dahil naaalala ko lang ang nangyari sa'min ni Khalid, nasasaktan ulit ako.

"Lakas talaga ng loob."

Nilingon ko ang babaeng nadaanan ko sa hallway. Kumunot ang noo ko. Tinanggal ko kasi ang isang earphone ko dahil malapit na ako sa room nang narinig ko 'yon. Hindi ako kumibo. Pinagsawalang bahala ko 'yon, pero pag pasok ko sa room, nagulat ako na may mas nauna pa sa akin.

Hindi ko siya kaklase...

"Have you heard the news?" seryosong tanong nito. Nakaupo siya sa dulong upuan at dahan-dahang tumayo.

Siya 'yong grade 12 student na humila sa'kin palayo kay Khalid...

Ano'ng ginagawa niya rito?

"Hmm." tumango ito at huminto sa tapat ko. "Based on the look of your face, I guess that's a no?"

Napakurap ako.

"Ano..."

Napatingin ako sa labas ng classroom at may mangilan-ngilang 'studyante ang nakatingin sa akin— sa amin.

Ano bang nangyayari? Bakit ang sasama ng mga tingin nila?

I have no friends here at school. Nasa ibang school nag-aaral ang mga kaibigan ko. Lumipat kasi kami ng bahay kaya wala akong choice kung hindi dito na mag-enroll dahil ito 'yong malapit. Gustuhin ko mang sumunod sa mga kaibigan, bukod sa hindi kaya ng budget, hindi rin kaya dahil sa time of travel pa lang ubos na agad ang oras at pera ko.

Tumunog ang cellphone ko. Sunod-sunod iyon galing sa notification ng messenger.

Tinignan ko lang saglit ang lalaki at kinuha ko ang cellphone ko.

"Kababaeng tao nagkakalat ng ganon?"

"Women empowerment daw pero selective lang??"

"Inggit kasi kaya naninira."

"Kala mo hindi babae."

"Mukhang mahinhin pero sa loob 'yong kulo."

"Bida-bida porket jowa si Khalid. Ano ka ngayon? Ex na lang! Masyado kasing ilusyunada!" 

"Bitter na ex. Ew."

Sunod-sunod na basa ko sa mga nag cha-chat sa akin. Meron pang mga messages sa message request pero hindi ko na tinignan.

Bigla akong kinabahan.

"Ano'ng nangyayari?"

He licked his lips. "Come with me."

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon