Kabanata 24
Maaga akong pumasok kinabukasan. Naunahan ko pa sila Nomari na wari ko'y mahimbing pang natutulog bago ako umalis. Nilakad ko lang papunta sa school dahil maaga pa naman at excercise na rin kahit papaano.
Nang madaan ko ang Sea wall, saglit akong nahinto pero hindi ako nagtagal. Saglit ko lang pinagmasdan ang galit na hampas ng alon sa batuhan at ang hampas ng payapang hangin sa aking balat.
I love watching the waves of the sea. It's like a reflection of life, just like life consists of a series of waves that must be faced and surmounted. Like how we can never predict how the waves will hit us. We are unable to anticipate it or manage it. The way these waves will impact our feet is always a mystery. But ultimately, we can always take what we've learned from it and dance with it.
"Val!"
Papasok pa lang ako sa gate nang marinig ko ang pangalan ko galing sa labas. Tinignan ko ang guard na nagtaas ng kilay sa akin bago ako lumingon.
"Oh? Keith?" Ano'ng ginagawa niya rito? Alas otso pa lang, ah?
Lumapit ako sakaniya. Tinabi niya ang motor niya sa gilid ng waiting shed at tinanggal ang suot na helmet.
Marami pang estudyante ang naglalakad papasok ng gate, ang iba ay tumatambay pa sa waiting shed para siguro antayin ang ibang kasama.
"Aga mo, ah?" Ngumisi ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
Hindi naman siya naka uniform. Tanging pambahay na shorts at t-shirt lang ang suot niya. Naka tsinelas lang din siya kaya mukhang hindi naman siya papasok sa school.
"Ikaw? Bakit ang aga mo rin?"
"May titignan lang ako."
"Ano 'yon?"
Umiling ako sakaniya at tinignan ulit ang guard. Nakatingin ito sa amin ni Keith kaya nailang ako.
"Magsusukat kami ng toga." Palusot ko.
Naglakad ako sa kabilang dulo ng waiting shed para hindi kami tignan nung guard. Sumunod naman siya sa akin kaya natawa ako sa naisip.
"Bakit ka ba nandito? Hindi ka naman mukhang papasok."
"Napadaan lang."
"Talaga? Napadaan? Eh, ba't huminto ka pa?"
"Nakita kita, eh."
Tumaas ang kilay ko.
"Joke time ka na naman."
"Oo nga! Mukha ba akong nagsisinungaling?"
Tumawa ako sakaniya at napatingin sa humintong isang magarang sasakyan sa tapat ng gate. Kasunod niyon ang tatlong motor sa likod. Napalingon kami roon pati ang ibang estudyante ay natigilan sa ginagawa dahil sa pumaradang sasakyan sa harap.
Unang bumaba roon ang dalawang lalaki na naka navy blue na polo at ang sunod naman ay ang isang matangkad na binatang lalaki.
"Sino 'yan?" Bulong ni Keith.
Kumunot ang noo ko sa huling bumaba. Ang mahaba at straight na straight na buhok nito ay sumasayaw sa bawat galaw niya. Kahit nakasuot ng aviator glasses ay kita pa rin ang nagsisingkitang mga mata nito. Sa nagdaang taon, tumangkad din siya. Dati ay halos katangkad ko lang siya ngayon ay halos hanggang balikat na lang siguro ako. Ang kulay gatas niyang balat naman ay nakakasilaw tignan kapag natatamaan ng araw.
Sumipol si Keith sa tabi ko dahilan ng pagtingin nito sa banda namin.
Tama ang hinala ko. Siya nga!
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Narrativa generaleStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime