Kabanata 7

28.9K 210 3
                                    

Kabanata 7








Isang linggo na lang, luluwas na sila Nomari pa-Maynila. Napag-usapan namin na dito na lang malapit sa school magkita. May bagong bukas na coffee shop doon kaya 'yon na lang ang naisip ko. Gusto ko rin kasi i-try 'yong cheesecake nila roon.

Gano'n pa rin ang sitwasyon namin ni CK, busy pa rin siya at ang tanging nai-te-text niya lang sa akin ay, 'goodnight' at 'goodmorning', minsan ay wala pa nga. Wala naman sa akin 'yon. Ayos lang naman 'yon dahil hindi naman niya ako kailangang i-update sa kung ano'ng ginagawa niya o kung busy ba siya. Sadyang may mga oras lang na nai-isip ko siya kasi siguro nasanay ako na siya lagi ang ka-kwentuhan ko at kasama ko.

Kapag nagkikita naman kami sa school at binabalak niyang lapitan ako, agad siyang nahaharang ng mga kasama niya sa organization nila.

Umiling ako. Ano ba kami?

Tinignan ko ang suot na relo at napag-pasyahan na kumain sa canteen. Mahaba ang pila sa may mga lutong ulam kaya bumili na lang ako ng cup noodles na beef at naupo sa isang gilid.

Hindi na ako makatambay sa likod ng school dahil may ginagawa roon. Pinagbabawal na dumaan o maski tumambay doon kaya wala akong choice kundi dito kumain sa canteen kahit pa ayoko. Mainit naman kasi dito at kapag saktong break time ng mga estudyante, punong-puno ito.

Habang humihigop ako ng sabaw nakita ko si TJ mula sa malayong upuan. Wala ulit siyang kasama tulad noong mga nag-daang araw na nakikita ko siya. Tahimik lang siyang kumakain pero napapansin ko ang paminsan-minsan niyang sulyap sa akin.

Matapos ang pangyayaring 'yon ay wala talaga akong nabalitaan sakaniya. Hindi siya nag-post sa facebook tulad ng madalas niyang gawin kapag may kaaway siya. Hindi siya nag-deactivate ng facebook pero hindi na rin siya active roon. Oo, minsan naririnig kong pinag-uusapan siya ng mga kaklase ko hindi dahil sa isyu, kundi dahil sa mga fashion sense niya. Magaling siyang manamit, maganda, photogenic din siya at higit sa lahat ay matalino. Nasa star section siya ng batch nila at palaging nasasama sa poster na ipinapaskil sa bulletin board para sa mga achievers.

Bukod sa nangyaring isyu, malaking pala-isipan sa lahat ang biglang pagkawala niya sa socials. Hindi naman siya na-bash tungkol sa video na 'yon dahil sa akin ang sisi ng lahat ng tao kaya hindi ko rin maisip bakit bigla ang pag tahimik niya. Hindi naman siya ganito noon. Siguro sobra lang talaga siyang naapektuhan sa isyu na 'yon?

Tang ina kasi nang nag-post niyon, e.

Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na inisip pa si TJ. Hindi ko na rin chineck kung tinitignan niya pa rin ba ako o ano. Iniisip ko na lang kung saan ako pupunta pagtapos kumain

Wala ulit kaming teacher sa isang subject. Hindi naman mahigpit ang secretary sa room namin basta naka attendance na at nagawa na ang pinaiwang gawian, p'wede ka na lumabas o tumambay sa field at library.

"Look who's here?"

Nilingon ko ang nagsalita.

Tumaas ang kilay ako at tinignan si Aoki mula ulo hanggang paa. Ang iksi talaga ng palda niya at hapit na hapit naman ang uniporme niya na pakiwari ko'y puputok na dahil malaki ang boobs niya.

Ang unfair lang. Sa ibang estudyante p'wede ang ganyang uniporme pero pag sa iba masisita agad at kukunin ang I.D!

Umismid ako at palihim na sinilip ang dibdib ko. Tsk! Lord, ganiyan ka pala sa iba, ah!

Nakangiti siyang umupo sa harap ko. Hindi naman umupo ang dalawang kasama niya dahil dumiretso sila sa kabilang table at doon umupo kaya binalik ko ang tingin ko sakanya.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko.

"Why do I feel like you hate me that much?" mahinhin siyang tumawa at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon