Kabanata 4

44.5K 291 2
                                    

Kabanata 4





"Ano'ng pinapakinggan mo?"

Napamulat ako ng mata at bumungad sa akin ang preskong mukha ni CK. Nakangiti ito at prenteng naupo sa tabi ko habang pinatong naman niya ang tumbler niya sa isang dahon.

Ngumisi ako at inayos ang suot na palda.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" kumunot ang noo ko at tinanggal ang earphones.

Dito ako nakatambay sa likod ng school kung saan niya ako hinigit noon. Mula noon dito na ako nagpapalipas ng oras.

Presko ang hangin dito. Tahimik at hindi mainit. Marami rin puno rito kaya maya't maya ka makakarinig ng tunog ng mga ibon. Kita rin ang kalakihan ng field dito kaya mas na e-engganyo akong pumunta rito.

"I'm done with my exams. How 'bout you? What are you doing here?"

"Wala. Pahangin lang saglit. Init sa room, e."

"Wala kayong klase?"

"Wala si Ma'am DeGuzman, e."

Umiling siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Sinimangutan ko siya. Ang hilig talagang guluhin ang buhok ko!

"Ayan ka na naman, e!"

"Tumakas ka lang sa room ninyo, e."

"Hindi nga! Sabi ni Ellaine, p'wede naman lumabas basta tapos na ang iniwang activity."

Mabilis na dumaan ang sabado at linggo. Ngayong araw ay lunes na naman. Hindi ko man lang masyadong na-enjoy ang weekends dahil pagtapos namin mag perya noong sabado, tumulak kami nila mama sa Bulacan para bisitahin si Lola.

Hindi pinadala ang bike ko dahil maraming nilagay na gamit sa sasakyan. Hindi rin ako nakalabas masyado dahil pagtapos namin magsimba, pinatulong agad ako kay Lola sa pagkuha ng kamatis sa bakuran at pag-tanggal ng malunggay sa tangkay nito.

Sinulyapan ko siya. Magaan ang tingin niya sa field at maaliwalas ang mukha.

Madalang ko siyang makitang ganito...

"Nagpapahangin lang naman talaga ako. Wala kaming teacher sa dalawang subject, at ngayon naman si Ma'am DeGuzman kaya rito na lang ako pumunta."

"Mga dahilan mo talaga." Ngumisi siya at inayos ang gamit na dala.

Kita ko siya sa gilid ng mata ko kaya hindi ko na kailan pang kumpirmahin 'yon.

Tumikhim ako.

"Ikaw? Kumusta pala ang weekend mo?"

Tinignan ko siya nang hindi siya nakasagot agad. Parang malalim ang iniisip niya. Balak ko na sanang bawiin ang tanong ko pero bumaling siya sa akin at tipid na ngumiti.

"Hindi ako lumalabas, Val." Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

Natahimik naman ako at biglang nagtaka.

"Kapag weekend, nasa bahay lang ako. Gumagawa ng homework o tumutulong sa gawaing bahay. I can't just... go outside because I want to."

Tumahimik siya. May gusto pa sana siyang sabihin pero napansin kong iniiling na lang niya 'yon.

Tumango ako at tinignan ang sapatos ko.

Hindi ako madalas mag tanong tungkol sa mga bagay-bagay lalo na kung pribado dahil ayaw kong tinatanong din ako tungkol sa isang bagay na pribado para sa akin. Kaya imbes na tanungin si CK ay tumahimik na lang ako.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina." Nagsalita siya ulit.

Sinilip ko siya. Nakangiti na siya ngayon at maaliwas na ulit ang itsura.

"Ano ba 'yon? Sorry."

"Ano'ng pinapakinggan mo kanina?"

"Ah, Hiraya." Ani ko. Ngumiti ako sakaniya. "Alam mo ba ang meaning ng Hiraya?"

"Hindi, e. Ano ba 'yon?" umiling siya at napakamot sa sintindo. "Hindi ako masyadong pamilyar sa mga tagalog, eh. Lalo na kapag malalim na tagalog."

"Okay lang." tumawa ako. "Hiraya means your wish, your dream, or other word for pangarap. In tagalog, bunga ng pag-asa o hangarin. Ancient tagalog ang Hiraya. P'wede mo rin siyang isulat sa baybayin."

Ngumiti ako at kinuha ang cellphone ko. Sinaksak ko ulit ang earphones at pinakita sakaniya ang cellphone ko.

"Gusto mo ba na a-ano... pakinggan?" bigla akong pinamulahan kasi titig na titig pala siya sa akin.

Nakakainis naman na kanina pa ako nauutal.

Tahimik siyang tumango at inabot ang isang earphones ko. Pinindot ko ang play at sabay namin pinakinggan ang kanta habang nakatingin sa malawak na field ng school at habang tahimik na sumasayaw ang hangin sa kawalan.

Oh, Hiraya
'Kay ganda ng mapungay mong mga mata
At iyong tinig ay
Aking paborito't hindi ko malimutan
Nagbibigay katahimikan
Sa maingay na kalawakan

For some unknown reason, I looked at him. He stared out at the field in silence. I glanced into his eyes; they were at times harsh, at times chilly, and at times so serene that you felt dizzy while looking at them. But sometimes, it was like staring into a deep sea.

Bumaba ang mga mata ko sa labi niya, ano kayang ginagamit niyang lip balm? Parang ang lambot tignan ng labi niya. Mapula at hindi na kailangan pang lagyan ng kahit anong liptint.

Bigla siyang lumingon sa akin. Our eyes met. Suddenly I felt like I was about to fall into a trance when his eyes fell on my lips.

Oh aking hiraya, huwag ka na lumisan
Oh p'wede bang sumandal sa'yong balikat
Kalimutan mo na ang mundong kay bigat
Patunayan mo sa'king hindi ka alamat
Ngunit kung oo, paulit-ulit kitang isusulat

Akala ko sa mga telenovela lang nangyayari 'to, pero sa oras na 'to, parang bumagal ang lahat sa paligid ko. Ang tunog ng ibon, ang sayaw ng hangin, ang oras at ang paghinga ko....

Umiwas ako ng tingin at bumalik ang lahat sa dati. Napakurap naman siya at kinuha ang tumbler niya para uminom ng tubig.

Parang nanuyo rin tuloy ang lalamunan ko at nauhaw sa pag-inom niya ng tubig. Gumagalaw ang adams apple niya sa sunod-sunod na paglagok niya. Umiwas na agad ako ng tingin bago pa man niya ako mahuling nakatingin sakaniya.

"K-kumusta ang kanta?" tanong ko sabay buga ng hangin sa gilid ko.

Muntik niya na ako mahuling nakatitig sakaniya!

"Maganda. Masarap pakinggan. Para akong dinuduyan." tumawa siya kaya naningkit ang mata niya. "Sino ang kumanta niyan?" tanong niya.

"Kaibigan noong kaibigan ko. Hindi kasi siya dito nag-aral, ako lang ang nahiwalay sa'min kasi lumipat kami ng bahay. P'wede mo pakinggan kung wala kang ginagawa..." tumango ako at kinurot ang sarili dahil kung saan-saan napapadpad ang mata ko at nasobrahan ata ang kadaldalan ko.

Narinig ko namang tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What's funny?"

"Nothing. Don't worry, I'll listen to it since you recommended it."

"Baka naman hindi mo trip?"

"Maganda naman. Papakinggan ko nga." Tumawa siya ulit.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon