Kabanata 23

9.3K 151 4
                                    

Kabanata 23





Hapong-hapo ako nang makarating ako sa tamang palapag. Kakaunti na lang ang mga estudyante kaya nang pumasok ako sa silid ay kinain ako ng hiya. Nasa loob na ang guro namin at tahimik na nakaupo na ang mga kaklase.

"Uh... I'm sorry, ma'am. I'm late." aniya ko.

Tumango ang guro ko sa akin kaya dali-dali akong umupo. Masamang tumingin sa akin sila Eryn. Kinunot ko ang noo ko sakanila bilang pagtataka pero umiling lang siya.

Isang oras tumagal bawat klase. Ang huling subject ay na-overtime pa dahil sa biglaang quiz. Mabuti na lang at kahit papaano'y may stock knowledge ako sa subject na iyon. Mahirap ang mga tanong pero dahil may choices, napadali nito ang buhay ko sa loob ng trenta minutos.

Nang mag breaktime, bumaba kami para bumili. Masayang nagtatawanan sila Eryn kahit pa mababa ang nakuhang score sa quiz. Hindi ko sila napakopya kanina dahil one seat apart. Si Eponine at Asia naman ay kahit papaano'y pasado pa pero sila Eryn at Ning ay hindi. Hindi naman kasi sila nakinig noong nagturo last time sa subject na 'yon. Hindi ko rin naman sila mabibigyan ng sagot dahil umiikot si ma'am.

Pagkabili namin ng pagkain, hindi na kami sa canteen pa naghintay. Masyadong dagsa ang mga 'studyante at siksikan pa sa loob. Amoy na amoy 'yong mga pawis. Si Nine na kahit hindi naman maarte, napapailing.

"Grabe talaga rito kapag sabay-sabay halos ang break time!" reklamo ni Nine.

"Sabay sa college ngayon, 'di ba?"

Nilingon ko si Ning. "Oo," sagot ko. "Sabay yata lahat ngayon kaya maraming estudyante."

"Sa field na lang kaya tayo?" tinuro ni Eryn ang daan palabas sa canteen. Tumango kami roon pero si Ning ay hindi.

"Mainit yata? May sapin ba kayong dala?"

Tinuro ko ang court. "Doon na lang kaya?"

Tumawa si Eryn at hinampas naman ni Asia si Eponine. Nakunot tuloy ang noo ko. 'Di talaga kami nagagawi roon. Kahit noon pa, ayaw nila tumambay doon kahit pa presko rin naman ang hangin sa court.

"Huwag na doon! Sa may likod na lang tayo. Mapuno naman at mahangin doon. May dala rin namang sapin si Asia."

"Sus! Kunwari pa, eh." Siniko siya ni Eryn.

"Eryn, ayoko roon."

"Bakit?" tanong ko, medyo curious.

"Kwento ko ba?" natatawang tanong ni Eryn kay Eponine.

Ang maliit na si Ning, sumingit sa usapan habang kunot na kunot ang noo. Mukha tuloy siyang minion sa paningin ko.

"Huy, ano 'yon? Bakit wala kaming alam ni Lai?"

"Teka lang naman! Eto na nga eh!"

"Eryn!"

"Si Rowee kasi 'di ba sumali sa basketball team?"

"Si Rowee? Iyong taga CBA? Bakit?"

"Oo-"

"Luh, teka nga-"

"Ako muna, Ning! Nag ku-kwento na nga sisingit ka naman." Umirap si Eryn atsaka tumawa. "Ayon nga si Rowee. Hindi 'yon crush ni Nine, ah! 'Huwag kang ano riyan. Si Rowee ang may crush kay Nine!" humagalpak sa tawa si Eryn at Asia.

Ako naman at si Ning, nangungunot pa rin ang noo. Hindi makuha kung anong nakakatawa roon. Normal naman ang magka-crush sa tao, 'di ba? Buti kung hayop 'yon... 'yon ang 'di normal.

"Hindi man lang kayo tumawa?" Si Asia, natatawa pa rin.

Naglakad na kami papunta sa likod ng college building. Tahimik si Eponine sa gilid. Sila Eryn at Asia naman patuloy ang pang-aasar sakaniya.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon