Kabanata 34

60 3 0
                                    

Kabanata 34






“Eponine Castillejos, With High Honors…”

Nagpalakpakan kami. Sunod-sunod na umakyat ang mga estudyanteng tinatatawag sa stage. Kahit may mga electricfan na nakapalibot sa buong court, ramdam pa rin ang init dahil halos tanghali na nang mag umpisa ang ceremony. Hindi naman kasi nakapag-umpisa agad dahil nagkaroon ng problema sa pila at sa speaker.

“Euphrasia Februera, With High Honors…”

Tinignan ko sila Eryn sa likod. Napansin ko kaninang umaga pagdating ko rito, masama na ang timpla niya. Hindi rin sila masyadong nag-uusap ni Ning. Kasama niya ang ate niya, habang si Ning naman ay kasama ang dalawang magulang.

Binalik ko ang tingin sa stage nang sunod na tawagin ang mga highest honors at kabilang doon ang galing sa star section. Mas malakas ang palakpakan niyon dahil kilala ang mga estudyanteng ‘yon dahil sila palagi ang lumalaban sa iba’t ibang school kapag may event. Except sa akin.

Nang ako na ang tawagin, kinabahan ako. Dahan-dahan akong tumayo at inayos pa ang muntik matapakan na toga ng katabi.

Pinasadahan ko ang buhok ko at inayos ito ng bahagya. Kinulot ang wavy kong buhok. Nilapatan din ako ng light make up na inutusan ni Nomari dahil hapon pa sila makakauwi ni Luigi. Pinadalhan naman ako ng bagong damit ni Mandy at sapatos naman kay Monday kaya ayon ang suot ko ngayon sa ilalim ng toga. Para ‘yon mamaya sa after party nitong graduation na gaganapin sa bahay ng isa sa mga taga star section.

“Vallia Adelaide Molina, Best in Research, Best in Science, and With Highest Honors…”

Nagpalakpakan ang mga estudyante. Maraming tao pag-akyat sa ko stage. Sinamahan ako ng adviser namin at ito ang nagsuot sa tatlong medal na nakuha ko.

“Congratulations, Vallia…” ani Ma’am Janice, isa sa mga naging paborito kong guro.

Ngumiti ako at inabot ang kamay nito.

“Salamat po, ma’am.”

Pagbaba ko, nakita ko sa kabilang gilid si Aoki. Naka formal attire rin ito tulad ng suot ng ibang mga guro pero ang kaniya ay hapit sa balingkinitan niyang katawan. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at may kaunting make-up din sa mukha. May suot siyang ribbon sa leeg niya at pumapalakpak habang nakangiti sa akin.

Hindi niya pa alam na nalaman na ni Caden na nandito siya. Hindi naman siguro siya magagalit kung malaman nga ni Caden? May pagkakataon pa silang makapag-usap at maayos ang ano mang lamat na nangyari sa pagkakaibigan nila.

“Congratulations, Vallia!”

“Thank you…”

“Pupunta ka ba sa after party?”

Nagulat ako roon. Akala ko ang mga estudyante lang ang nakakaalam niyon dahil mahigpit na ipinagbawal ng school na magkaroon ng kahit ano mang after party para na rin sa safety namin.

“Ano ka ba! Huwag kang mag alala, hindi ko naman sasabihin. Nabanggit lang din sa akin ng isang estudyante ko kanina. Pinapunta nila ako.”

Nakahinga akong maluwag doon.

“Pupunta ako. Hihintayin ko lang sila Nomari. Mamayang hapon din kasi ang dating nila. Tutulak ako roon kapag nakapag-paalam na ako.”

“Kasama mo ba si… Caden?” Hilaw siyang ngumiti.

“Hindi raw, e. Pero ihahatid niya ako.”

Naputol ang usapan namin ni Aoki dahil kailangan ko nang bumalik sa upuan ko. Nang matapos ang ceremony, nagkaroon ng picture taking sa may photobooth sa gilid. Made-develop agad ‘yon at ipapaskil dito sa school bukas para bilhin. Lumapit ako roon at tinignan ang mga estudyanteng nagpapa-picture.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon