Kabanata 9

26K 204 0
                                    

Kabanata 9






Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang oras. Alas onse na! Napahaba ang tulog ko dahil late na rin ako nakatulog. Pag-uwi ko kagabi naglinis pa ako dahil ang daming hugasin. Ni hindi pa ako nakakain ng hapunan dahil walang ulam. Hindi naman kasi nakauwi si mama at sarado na rin ang tindahan sa tabi.

Sinilip ko ang phone ko, may reply roon si Caden!

CK:

Can I come with you?

OHMYGOD!

Dumiretso ako sa cr, mabilis na naligo at naghanap ng masusuot. Normal na araw lang naman 'to kung tutuusin. Maghahanap lang naman kami ng gown para sa prom tapos kakain saglit at uuwi na rin.

Natigilan ako.

Hindi nga pala alam nila Nomari na kilala ko si Caden. I mean, na medyo close ko siya kasi ang sabi ko kahapon ka-schoolmate ko lang.

"Vallia!"

"Ma?"

Binuksan ko ang pinto. Bagong ligo rin ito at naka-ayos. Amoy na amoy ko ang pabango ni mama at ang shampoo na ginamit niya. Hindi ko namalayan ano'ng oras na siya nakauwi. Madaling araw na siguro.

Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Ngayon ba ang alis mo?"

"Opo. Maghahanap na po kami ng gown para sa prom."

Saglit na tumagal ang titig ni mama sa suot ko bago ako inabutan ng pera.

"Aalis ako, ha? Baka bukas pa ako makauwi. Bumili ka na lang ng lutong ulam mamayang hapunan diyan sa tabi. Kung may matira, itabi mo."

Ulit?

"Sige, ma."

"Sino ang kasama mo mamili?"

"Sila Nomari po."

"Sila?"

"Uh, sila Mandy at Monday po."

Saglit na kumunot ang noo ni mama bago ako tinapunan ulit ng tingin.

"Lumuwas sila?"

"Opo, ma."

"Kasama ang mga magulang?"

"Hindi po. Sila lang po."

Saglit na tumango si mama. "Saan sila ngayon niyan?"

"Doon po si Nomari at Mandy sa tito niya. Si Monday naman po sa hotel."

"Anak mayaman kasi."

Hindi ako sumagot. Umiling si mama sa akin 'tsaka ngumisi. "Kaya ikaw, kung mag aasawa ka, doon na lang din sa mayaman."

"B-bata pa ako, ma. Wala pa naman po sa isip ko 'yan."

"Ganyan din sinabi ko noon. Oh, siya. Aalis na ako."

"Sige po, ma. Ingat po."

Tumango sa akin si mama at umalis din naman kalaunan. Sinarado ko naman ang pinto ng kwarto ko at nagpatuloy sa pamimili ng damit.

Wala akong mapili!

Bibili lang naman kami ng gown at kakain saglit. Bakit ba masyado kong iniisip ang susuotin?

Inis kong tinapunan ng tingin ang cellphone ko. Alam ko naman ang dahilan pero kahit obvious naman ay ayaw ko itong kumpirmahin sa sarili.

Sa huli nag suot na lang ako ng isang faded jeans at puting t-shirt. Wala rin naman akong ibang magandang damit at wala na rin naman na akong oras para mag-hanap pa dahil nag text na sa akin si Nomari na papunta na sila sa Mall na napag-usapan namin kagabi.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon