Kabanata 8

26.3K 220 0
                                    

Kabanata 8







"Grabe! Parang gumanda ka?" Si Nomari.

Napa-aga ang pag-lipad nila pa-Maynila. Aaminin ko, masaya ako dahil nitong mga nakaraang araw ang dami kong iniisip at wala akong mapag-sabihan tungkol doon. Tine-text naman ako ni Caden at nag re-reply naman ako. Iniisip ko lang nitong mga nakaraang araw iba 'yong nararamdaman ko at parang may kutob ako kung ano 'yon. Ayokong palaguin iyon kaya naman medyo iwas ako sakaniya nitong mga nagdaang araw. Kaya nang i-text ako ni Nomari na nakauwi na sila, tuwang-tuwa ako at agad na nag-ayos.

"Hindi naman." Umiling ako sa kaibigan at natawa ng bahagya.

"Blooming nga! Baka iba na 'yan, ah!" Ani Mandy.

Tumawa ako.

"Hindi nga! Grabe. Kayo nga 'tong blooming, oh!"

Umiling si Monday. "Joke time era ni Vallia."

Kumpara sakanilang tatlo, walang-wala ako sa itsura. Hindi naman ako sobrang pangit, pero hindi rin ako gano'n ka-ganda. Kaya kapag nakaka-tanggap ako ng mga ganitong klaseng kumento ay wina-wala ko na lang. Hindi dahil ayaw kong maniwala, ayaw ko lang umaasa na talagang gano'n ang tingin nila sa akin.

"'Di nga, anong gamit mo ngayon?" Si Nomari ulit sabay tinapik-tapik ang pisngi ko.

"Anong skincare ba 'yan nang mabili?"

"Wala kang pambili, Mandy."

"Wow! Personalan tayo rito, Mari?"

Kasama ni Nomari sila Mandy at Monday. At as usual, Monday being her self. Gandang-ganda na naman siya sa sarili habang patingin-tingin sa salamin dito sa coffee shop. Ngumiti naman ako dahil totoo namang maganda siya.

Maganda ang hubog ng katawan ni Monday, maputi ang balat at napaka-healthy ng straight niyang buhok na kulay pink na kahit ilang beses niya yatang kulayan 'yon hindi man lang nag da-dry. May katangkaran din siya para sa edad niya. Kaya sa aming apat, mas mukha siyang dalaga kahit pa 19 pa lang siya.

Ako ang pinaka-bata sa mag ka-kaibigan. Si Nomari at Mandy ay 20 na, sumunod si Monday na 19 at ako naman na 16.

Maganda ang bagong bukas na coffee shop. Sobrang aesthetic ng lugar. Simple pero talagang nakaka-akit tignan dahil na rin sa simpleng ayos nito. Masarap ang menu at mura pa. Pasok na pasok sa mga estudyante. Meron din malaking salamin sa gilid kung saan p'wedeng mag-dikit ng notes at mag mirror shot gaya ng ginagawa ni Monday ngayon.

"I told you, Val, maganda 'yong skincare na sinend ko sa'yo, 'di ba? Ayaw mo pa maniwala. Oh, look at you now, super pretty mo na lalo!" Sabi ni Monday at uminom ng order niyang frappe.

Nagtawanan naman kami.

"Gaga! Maganda talaga si Vallia, beh. Natural lang ang ganda niyan. Ni ayaw nga mag padapo ng make-up kasi natatakot baka tigyawatin,e." Ani Mandy.

Umirap si Monday.

"Shut up, Mandy. Ikaw na rin nagsabi na mas mukhang musmusin si Vallia noong nasa Alma 'yan. Ngayon ang ganda-ganda na. Glow up! Dalaga na tignan! Baka marami na rin boyfriend?" kumibot-kibot ang kilay ni Monday kaya tinawanan namin ang naniningkit na mata ni Monday.

Bigla ko tuloy naalala si Aoki dahil sa pagtawa ni Monday. Pareho silang naniningkit ang mga mata kapag tumatawa o ngumingiti.

"Ay! May chika 'yan si Vallia." Ani Nomari.

"Huh? Ano 'yon?"

"Wait! Sana naman normal na kwento lang kasi nagsasawa na ako sa spicy stories ni Mandy!"

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon