Kabanata 5
Trigger Warning: Self harm
Speaking out about a situation can be challenging if your family doesn't really feel like family. It was all just screaming, yelling, and arguments.
Some say I should forgive my parents for not being able to love me the way I needed them to. That's why I always force myself to forgive them. Wala naman nakapagsabi sa akin kung paano mag patawad, I just figured it out for myself.
Ang hirap na you're longing for something na alam mo sa sarili mo na they can never give that kind of treatment. Minsan nga naaawa ako sa sarili ko kasi ang sakit na sa ibang tao ko pa nakukuha yung emotional support na kailangan ko na dapat sakanila ko natatanggap.
"Mas lalo ako, Eric! Sawang-sawa na ako sa pamilyang 'to!"
Pinikit ko ang mata ko at tinakpan ang tenga ko.
I promised myself that I wouldn't bring a child to suffer in this cruel world. Ayokong maramdaman ng magiging anak ko 'yong ganitong klaseng enviroment, ganitong klaseng treatment, trauma at ganitong klaseng buhay.
"Pagod na rin ako Charlotte! Uuwi ako para matulog, tapos aalis din ako para magtrabaho! Sa ganoon na lang umiikot ang buhay ko! Ni hindi na ako makabili ng gusto ko kasi inuuna ko kayo!"
Tumulo ang luha ko. Kahit anong takip ko sa tenga ko, naririnig ko ang sigawan nila mama at papa.
Naniniwala ako na ang first heartbreak natin ay manggagaling sa pamilya natin. Pamilya dapat ang pinaka ligtas at pinaka kakampi natin sa buhay. Ika nga nila, blood is thicker than water. Pero walang nakapagturo sa'kin kung saan tatakbo kung sa pamilya mo na mismo nagkakagulo.
"At anong tingin mo sa akin, Eric, hindi ako napapagod? Ikaw lang ba ang kumakayod? Nag tatrabaho rin ako, Eric! Pag uwi, naglilinis pa ako. Tapos magluluto pa, mamamalantsa pa! Sige nga!"
"Malamang, Charlotte! Ikaw ang ina rito. Ikaw ang gagawa niyon. Sa akin mo pa ba iaasa 'yan? Bakit hindi mo iutos sa anak mo!"
"Anak natin, Eric! Anak natin. At bakit kay Vallia? Pumapasok ang anak natin, Eric. Baka nakakalimutan mo!"
What most people don't understand about me is that I was raised by angry people. I was raised in a whole family that isn't family at all. And you know what the sad thing about it? People who didn't grow up in an angry home won't understand you. They won't understand why you can't lower your voice or tone down your anger. They don't know the rage inside you.
No one knows how much rage it took me to become this numb.
Pinunasan ko ang luha ko at tumingala sa kisame. Kahit anong pigil ko, tumutulo pa rin ang luha ko. Masakit ang lalamunan ko pero nilulunok ko na lang 'yon. Tahimik akong humihikbi habang dinadama ang kirot ng palapulsuhan ko.
Ang bigat.
I needed to hurt myself to feel that I was still alive...
I don't ask for help often, but sometimes I wondered.... how does it feel to have someone you can lean on?
"Where are you?!"
Sinilip ko ang cellphone ko. Ongoing pa rin ang pala call. Akala ko binaba na ni CK ang tawag kanina pero nandiyan pa rin siya...
Lalong bumuhos ang luha ko at agad na tinakpan ang sugat sa pulso ko. Bigla ay para akong natauhan.
"Pupuntahan kita diyan." Ramdam ko ang nginig at pagmamadali sa boses niya. Narinig ko rin ang pagkuha niya sa bike at pagsara ng gate nila. "Talk to me, please... just talk to me. Say anything... please..."
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
General FictionStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime