Kabanata 11

23.6K 162 2
                                    

Kabanata 11






I have never experienced peace or calmness because I've been in survival mode since childhood. I've experienced a lack of resources, a parent spiraling, and a compromised nervous system, so I find myself unable to recall a time when I wasn't constantly burdened by worry and fear about the potential for the next tragedy.

But life always finds a way to remember everything, 'no?

I looked at the crowd inside a hotel where our prom night was being held. Time flies so fast. Parang nakaraan ay bumili lang kami ng gown para rito, but look at me now...

I am now standing in a sea of people.

I looked at my batchmates one by one, who were whispering in front of me. Their eyes were only looking at me. No one even stood up for me; no one even believed in me; they are all judging me.

Lahat sila may sinasabi.

"Galing mo rin eh, 'no?" tinignan ako mula ulo hanggang paa ng pumalit kay Tj na cheer captain.

Hindi ko alam paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Parang kanina lang excited pa akong gumising kahit gabi pa naman gaganapin ang prom. Maaga rin ako nag-ayos para naman aalis na lang 'pag sumapit ang alas singko at maaga rin pumunta kahit pa dapat alas syete pa.

"Pinagbigyan ka namin nung una kasi hinawakan ng student council 'yang kaso mo. Pati ibang teachers pinigilan kami kasi... 'nga naman, ikaw na maamo at mabait kuno? Teacher's Pet? Achiever? Magagawa 'yon?" Umirap siya.

Pumikit ako.

"Wala akong alam diyan!"

"Lagi naman ganyan sagot mo! Pa-victim ka masyado!"

Lahat ng tao nakikinig. Maski mga teachers sa stage, teachers sa gilid, guard sa gate... lahat sila nakatingin lang. Walang sumubok na pumigil. Para bang sa tagal nilang pilit iniwasan ang ganitong pagkakataon, e, sa wakas nagkaroon din ng komprontasyon. At sino nga namang pipigil kung ang taong nagsasalita ay ang anak ng pa ng principal?

"Shut up! Ganyan ka na talaga! Ikaw? Ipo-post si Tj na may scandal siya kahit wala naman pala? Ganyan na ganyan ugali mo!"

"Hindi ako ang may gawa niyan. Wala akong alam! Bakit ba sa akin mo sinisi 'yan? Hindi ba malinaw naman na noon na labas ako sa isyung 'to?"

"Labas ka sa issue? Grabe ka talaga maghugas ng kamay! Paawa ka masyado sa lahat. Gusto mo lahat ng tao mapapaikot mo sa kamay mo, pwes, ngayon hindi!"

Narinig ko ang mas lalong lumakas na bulungan.

"Iba talaga nagagawa ng inggit sa katawan, 'no? 'Nga naman, maganda si Tj at talaga namang may ibubuga sa lahat. Kumpara sa'yo na pilit na pilit!"

"Hindi gano'n 'yon, Yska."

"Sige. Ipaliwanag mo 'yan sa amin. Bilis." Ngumisi siya.

Akala ko ngayong gabi magsasaya ako at kahit huli na ang lahat ay may makikila pa rin akong kaibigan, ka-kwentuhan... akala ko nga marami rin mag a-aya sa'kin ng sayaw kasi maganda ang pagkaka-ayos ni Monday sa akin. Imbes na mag pa-parlor, siya ang nag-ayos sa mukha at buhok ko.

Gusto ko lang ng isang memorableng gabi na hindi ko malilimutan. Despite the issues that linked me. Gusto ko lang may maalala na kahit papaano maganda ang naging highschool life ko. Hindi ganito.

Pero bago pa man mangyari ang lahat, may nag play ng isang video sa projector screen sa harap ng stage. Malaki ang projector screen na 'yon kaya naman kahit ang mga estudyante sa likod ay makikita 'yon. Mabilis lang din natapos ang video dahil siguro pinigilan ng mga teachers dahil sa bulgar na nilalaman no'n.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon