Kabanata 1
Warning: Self harm
Napasinghap ko habang nakikinig sa kanta. Lalong namuo ang luha ko sa mga mata ko na pinipigilan kong lumabas. Masakit ang lalamunan ko, masakit din ang dibdib ko, mabigat at antok na rin ang mata ko sa ilang oras na pag-iyak. Unti-unti akong nilalamon ng dilim. My thoughts were killing me. Sinubukan kong huwag nang isipin, sinubukan kong huwag nang kimkimin, pero bigo ako. Ramdan ko ang bawat pagtusok ng sakit sa bata kong puso.
Dinungaw ko ang bintana. Lumiliwanag na sa labas. Naririnig ko na rin ang tilaok ng mga manok.
Lumunok ako at tumayo sa kama ko. Wala akong ibang ginagawa kundi ang umiyak kada gabi at umaktong parang walang nangyayari kapag sapit ng umaga.
You love her, it's over
Do you even doubt it on your lipsKumuha ako ng unan sa kama at pasalampak na naupo sa gilid. Tahimik akong humikbi habang pinupukpok ang dibdib ko.
Masakit...
I want physical pain, but I don't want to cut myself again. I promised myself I wouldn't do that again.
Akala ko okay na ako, eh.
May mga araw na okay naman ako. Na parang wala lang. Pero mas marami ang araw na para akong nakalutang. Masakit pero at the same time, hindi mo ramdam.
Sa buong isang buwan na semestral break namin wala akong ibang ginawa kung hindi maghanap ng malulungkot na kanta para lalo akong maiyak—para lalo akong masaktan.
Noong una akala ko kaya ko, e. Sabi ko pa nga sa sarili ko na nasaktan lang naman ako. Alam ko makakabangon din ako. Pero hindi... mas lalong masakit. Mas lalo kong naaalala kapag pinipigilan kong huwag masaktan.
My friends tried to comfort me. But I don't want their comfort. I shut them off. Alam ko na gusto lang naman nila akong tulungan para maibsan 'yong nararamdaman ko—para matulungan ako kahit papaano.
Pero how can I save myself when I don't wanna be saved?
It's unsettling to realize that love... can make you powerless. It represents how someone might love you today, but will hurt you the very next day. It's scary how they can say they love you, but hurt you at the same time.
Nakakatakot na sa isang iglap kaya ka nilang sirain at saktan sa paraan na alam mong mahihirapan ka makabangon o kung makabangon ka man.
Alam ko matalino akong tao, e. Hindi ako basta-basta nahuhulog noon sa takot kong masaktan, sa takot kong masagutan at sa takot kong maiwanan ng luhaan. Takot akong kapag nagmahal ako malalaman nila kung paano ako basagin at durugin.
I know I'm brave, strong, but broken at all once.
But now? I'm starting to doubt myself. Am I really brave? am I really strong? May ganoon bang kombinasyon na malakas ka pero sa ibang banda'y durog ka?
"I told you, Tj is a friend!" sigaw niya.
"Hindi ganoon ang narinig ko, Khalid!"
"Tsk! Naniniwala ka kasi sa mga sabi-sabi. Kaibigan ko nga lang 'yong tao!"
Nanginginig ako at nasasaktan. Hindi ko alam anong uunahin ko. Iyong nararamdaman ko ba o 'yong katotohanan na nalaman ko.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Ficción GeneralStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime