Kabanata 15
Tanghali ng sumunod na araw ako nagising. Hindi ako agad bumangon sa kama at mariin lang na nakatitig sa kisame.
Hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako o sadyang nakapikit lang ang mata ko magdamag dahil ngayon ay pahikab-hikab ako. Magdamag kong inisip ang nakitang lalaki sa bayan kahit pa hindi ko sigurado kung siya ba talaga 'yon.
Nitong mga nagdaang araw lagi akong tulala. Lagi ko iniisip ang mga bagay-bagay. Mula sa buhay ko noon, sa mga napagdaan, at ang sarili. Ayokong mag self-pity dahil alam kong hindi 'yon makakatulong lalo na sa kalagayan ko ngayon, pero minsan napanghihinaan talaga ako ng loob.
Ilang taon na ang nakakalipas wala pa rin improvement sa kalagayan ko. Hindi pa rin ako makapagsalita, maski makabuo ng isang salita hindi ko magawa. Parang bumalik ako sa pagkabata, 'nga lang, mas malala.
"Ano'ng plano mo sa birthday mo?" tanong ni Mandy.
Umiling ako sakaniya dahil nawala sa isip ko na malapit na nga pala ang kaarawaan ko. Kung dati, excited ako sa araw ng kapanganakan ko, ngayon parang wala na lang sa akin. Mapait akong nangiti sa alaala.
Wala, normal na araw lang.
'Hindi ko alam e,' sulat ko sa papel.
"Aw... ang bilis ng panahon. Dalaga ka na... " tinignan ko ang medyo naluluha-luhang itsura ni Nomari.
Kakaiba talaga ang pagbagsak ng mukha niya o ako lang talaga nakakapansin no'n? Parang may dinadala siyang problema na hindi niya sinasabi. Saglit akong napaisip doon bago ko siya nilapitan para yakapin.
"Parang kailan lang, bunso ka pa namin... ngayon dalaga ka na... proud na proud ako sa'yo, Val. Pakiramdam ko tuloy anak kita dahil sa pagiging emosyonal ko," Ani Nomari.
"Lagi ka namang emosyonal sa lahat ng bagay basta tungkol kay Val, Mari."
Nangiti ako nang magsimulang mag-asaran ang dalawa.
Ngayong araw ang plano namin ay bumisita sa Boac Cathedral. Linggo ngayon kaya napagpasyahan namin na magsimba muna bago mamili ng stock sa bahay at para mamili na rin ng ibang gamit na kakailanganin ko para sa plano kong pagpasok.
Tatlo lang kami ngayon dahil wala si Monday. Ang sabi ni Mandy, lumuwas ng Maynila. Walang sinabi kung ano'ng gagawin doon.
"Iyong Khalid? Sabi nila Manang Tita diyan sa likod lagi 'yon dito, ah?"
Nilingon ko si Nomari matapos kong maghugas ng kamay. Kumain muna kami ng agahan bago kami tutuloy pa-Boac. Si Mandy naliligo na sa taas. Sandali kong inilingan ang kaibigan 'tsaka kinuha ang bagong white board na binili niya para sa akin.
'Bumibisita lang,' sulat ko.
Umismid siya roon at inirapan ako.
"Kahit pa magandang ideya na binibisita-bisita ka niyan dito para kahit papaano hindi ka maburyo at para matawagan kita, hindi pa rin ako sang-ayon sa lalaking 'yon, ah? Baka nakakalimutan mong niloko ka niyan. E, mula ata nang nangyari iyon nagkanda letse-letse na lahat, e."
'Hindi naman gano'n'
"Sus! Pinagtatanggol mo na naman 'yan, ah!"
Mula sa Island counter, lumapit sa akin si Nomari. Kinuha niya ang hawak kong pitsel at siya na ang naglagay niyon sa ref. Napangiti ako nang ilabas niya mula roon ang isang slice ng cheesecake.
'Hindi ko naman pinagtatanggol.'
"Pinapaalalahanan lang kita, Vallia Adelaide." Aniya. Tumango naman ako at kinuha agad ang cheesecake.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
General FictionStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime