Kabanata 28

94 3 0
                                    

Kabanata 28




"Luh! Foul 'yon, ah?"

Kunot ang noo ko habang tinitignan ang score ng CBA at ng CFAD. Ngayon ang araw ng laro nila at nasa 4th quarter na. Mula nang mag umpisa ang laro hanggang ngayong 4th quarter hindi naging boring ang laro at mas lalong umiinit ang labanan.

Tinignan ko ang oras. May dalawang minuto pa bago matapos ang laro. Tambak na ang CBA, samantalang lamang naman ang CFAD.

"Oo nga! Siniko si Rowee nung number 13!"

"Kawawa si Rowee. Bakit hindi foul 'yon? Kita naman na naniko 'yong 13, e!"

"Bakit hindi tinatawagan? Ang daya naman!"

"Sino ba 'yong number 13?"

"CFAD pala si Ryu?"

Papalubog na ang araw dahil mag aalas sais na. Siniko ako ni Ning at tinuro si Rowee na nakaupo sa sahig ng court. Kalat-kalat ang mga players dahil sa pagpito ng referee.

"Si Rowee, oh?" Tumawa si Ning.

Umiling ako at tinignan ang hawak na cellphone— ang binigay ni Nomari.

CK:
Ano oras ang uwian niyo?

Ako:
Tatapusin lang namin siguro 'tong game tapos lalabas na ako.

Nangingiti kong binaba ang cellphone pero agad din napawi 'yon dahil sa masamang tingin ni Eryn sa akin.

"Kinikilig ka, ah? Bakit?" Tumaas ang kilay niya.

Tinignan din ako nila Nine, Ning, at Asia. Pa-simple kong tinago ko ang cellphone ko pero lumipat doon ang tingin ni Eryn kaya mas lalong tumaas ang kilay niya. Nilingon niya si Rowee na ngayon ay nakaupo na sa bleachers habang nakatingin sa cellphone.

Oh, damn! Don't tell me....

"Kausap mo ba si Rowee?" She accused me.

"Hindi."

"Oh? Talaga?"

"Ano nangyayari?" Sumingit si Ning sa usapan.

"Hindi raw gusto si Rowee pero kausap."

"Huh?" Binalingan ako ni Ning. Ngayon ay masama na rin ang timpla.

Wait a minute. Iniisip ba nilang kausap ko si Rowee dahil nangingiti ako kanina?

Tinignan ko si Rowee, nahuli kong tumingin ito sa amin.

Drat!

"Lia?"

"Hindi, Ning."

"Tss, de-deny mo pa talaga." Umirap ulit si Eryn at saka tumayo. Kinuha niya ang bag sa tabi ni Ning. "Nakita kong tumitingin dito si Rowee, Lia. At huwag mong sabihin na hindi siya ang kausap mo, e, pagtapos tignan ni Rowee ang cellphone, tumingin naman dito?"

Umiling ako. Naiinis dahil sa nangyayari at sa pang aakusa sa tono ng boses ni Eryn.

Tumayo rin ako.

"Hindi ko nga kausap si Rowee, Eryn! Bakit mo ba pinipilit 'yon?"

"Talaga ba? E, bakit kailangan mo pang itago 'yang cellphone mo? As if titignan namin? Sa'yo na si Rowee! Kita mong may gusto kay Nine tapos susulutin mo?"

My heart sank. It hurt. Akala ko magkaibigan kami? But... friends wouldn't do that, right?

"Hindi ko sinusulot si Rowee, Eryn! Kahit kailan hindi. Kahit konting pagka-gusto, wala!"

"Ako tigil-tigilan mo sa pagiging playing victim mo palagi, ha? Hindi porket maraming naaawa sa'yo aartehan mo 'ko ng ganyan!"

"Eryn, tama na!" Umawat si Asia. Hinawakan niya sa braso ang kaibigan.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon