Kabanata 21

9.7K 98 0
                                    

Kabanata 21






"Never, ever forget the betrayal."

"Tumpak! Kapag niloko ka na, magloloko ulit 'yan!"

"Kahit bigyan mo pa 'yan ng second chance, o third chance, kung manloloko, manloloko na talaga!"

Tinignan ko ang malayong isip ni Eryn. Nakaupo kami ngayon sa field kasama ang ibang kaibigan bukod kina Asia, Eponine, at Ning.

Ngumuso ako at tinignan din ang malawak na field ng school. Naglatag lang kami ng tela at dito na naupo sa ilalim ng puno ng mangga. May dalawang oras pa kami bago ang sunod na klase kaya dito na lang naisipang tumambay dahil mas kakaunti ang tao rito kumpara sa court kung saan ginaganap ang isang basketball play.

"Ang problema kasi sa'yo masyado kang mabait. Sa totoo lang, sa maiksing panahon na nakilala ka namin? Ayon agad ang tingin ko sa'yo. Madali kang mamanipula, ma-uto." Dagdag ni Eryn at blankong tumingin sa akin.

"Hindi naman sa ganoon... hindi ko naman kinalimutan iyon, Eryn."

"Totoo iyon, Lia. Pasensya ka na pero iyon ang totoo."

Saglit akong napaisip sa sinabi ni Eryn.

Kanina'y nag uusap-usap sila tungkol sa ex-boyfriend ni Eponine na iniwan siya dahil nahuli sila ng magulang niya. Nagulat pa kami na may boyfriend pala si Eponine kaya naman napagalitan siya ng kakaunti ni Eryn hanggang sa umabot ang usapin sa akin.

Na-kwento ko na wala akong boyfriend pero may ex-boyfriend ako. Na-kwento ko rin ang nangyari noon. Hindi man detalyado pero may konklusyon na agad sila Eryn sa nangyari, at nang malaman nila na may koneksyon pa rin kami ni Khalid, pinangaralan ako ni Eryn.

"Hindi ko alam bakit hindi ka man lang nagalit. Sabihin na natin na nagalit ka, pero kinaibigan mo pa rin pagtapos." Si Asia na natatawang umirap sa akin.

"Kung ako 'yon, hindi ko mapapatawad 'yon. Baka nga makita ko pa lang mukha niyon matapos akong ganoon-ganunin, e, baka mag skandalo pa ako." Si Ning.

"Tanga ka! Bata ka pa para sa gano'n!"

"Ano'ng bata? Magkaka-edad lang tayo rito, huy! Maliit lang ako pero may mga naging ex na rin ako, 'no!"

"Wow! 'Mga?' Napaka naman talaga! Bubwit ka lang pero matinik ka pala?"

Nagtawanan kami sa huli dahil sa asaran nila Asia at Ning.

Hapon nang matapos ang klase, maaga akong umuwi. May lakad pa ang tatlo sa Boac at gusto sana nila akong isama pero tumanggi muna ako dahil uuwi sila Nomari ngayon.

Dala ang mga sinabi ni Eryn kanina, tulala ako habang naglalakad pagkababa ko ng trysikel. Hindi ko naman pinersonal ang pangaral sa akin ni Eryn. Payong kaibigan lang naman 'yon at naiintindihan ko naman pero hindi ko pa rin mapigilang mapa-isip.

Malaki nga ang naging epekto ng ginawa ni Khalid sa akin. Alam kong nasaktan ako roon at malala rin ang naging epekto noon sa akin pero bakit nga ba hindi ko nagawang magalit ng husto sakaniya? Bagkos ay naging mas malapit pa kami sa isa't isa.

Huminga ako ng malalim. Akmang bubuksan ko na sana ang gate nang may makita akong anino sa bakuran malapit sa pintuan. Dahil sa takot at kaba, mabilis akong nagtago sa isa sa mga puno ng mangga at sinilip ang taong hindi ko maaninag dahil patay ang ilaw sa buong kabahayan.

Ibig sabihin wala pa sila Nomari? Kung gano'n sino 'yon?

Habang nakasilip ay may isang malaking kamay ang agad na humila sa akin.

"AAHH---"

"Shh..."

Tahip-tahip ang dibdib nang lingunin ko ang humila sa akin. Takip niya ang bibig ko habang sinisilip ang kung sino ang nasa bahay nila Nomari.

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon